Rome, Mayo 12, 2012 – Kaugnay ng ika-65 taong ANIBERSARYO ng PHILIPPINE & ITALIAN BILATERAL AGGREEMENT at ng ika-114 taong Pagdiriwang ng PHILIPPINE INDEPENDENCE DAY, ang PIDA o Philippine Independence Day Association sa Roma ay magkakaloob ng parangal sa mga natatanging mamamayang Italiano sa Roma.
Gayun din, upang lalong maging makulay ang gagawing selebrasyon ay magkakaroon ng Best Booth Contest sa lahat ng makikiisa at ang Street Dancing Competition sa parade.
PARANGAL PARA SA MGA NATATANGING MAMAMAYANG ITALIANO SA ROMA
(PIDA Outstanding Italian Citizen Recognition Awards 2012)
1. PARANGAL PARA SA PAGLILINGKOD MAMAMAYAN (CIVIL SERVICE)
Ang karangalang ito ay iginagawad sa katangi tanging mamamayang Italiano na nakatulong sa mga Pilipino na naninirahan o naghahanapbuhay sa Roma. Ito ay maaaring pagsagip sa buhay, pagliligtas sa kapahamakan o anumang bagay na naaangkop sa karangalang nabanggit.
2. PARANGAL PARA SA PAGTATAGUYOD NG SINING AT KULTURANG PILIPINO (PROMOTION OF PHILIPPINE ARTS AND CULTURE )
Parangal bilang pagkilala sa mamamayang Italiano na tumulong sa pagtataguyod at pagpapalaganap ng Sining at kulturang Pilipino. Maaaring siya ay nagsagawa ng mga paglulunsad,palatuntunan o mga bagay para sa ikauunland ng ating sining at kulturang pambansa.
3. HANAPBUHAY AT DALUBHASAAN (BUSINESS AND PROFESSION )
Pagkakaloob ng karangalan sa mamamayang Italiano na nahirang dahil sa kanyang pagtulong sa mamamayang Pilipino upang makamit ang tagumpay sa daigdig ng kalakalan o pagiging dalubhasa.
SINU SINO ANG MAAARING BIGYAN NG PARANGAL?
Ang mga karangalang ito ay maaari lamang ipagkaloob sa mga karapat dapat na mamamayang Italiano na mapipili ng mga Lupon ng Inampalan. Ang mga magiging kandidato ay magmumula sa lahat ng mga mamamayang Pilipino na naninirahan o naghahanapbuhay sa Roma na nagnanais magmungkahi.
PARAAN NG PAGMUMUNGKAHI
Ang mga nagnanais magmungkahi ay kinakailangang magpadala ng LIHAM PAGLAHOK para sa kanilang napiling kandidato. Dito nasasaad ang pagkakakilanlan at kanyang mga nagawa bilang basehan sa pagpili. Ang mga magmumungkahi ng kanilang kandidato ay kailangang tumupad sa takdang palugit ng pagpapadala ng LIHAM PAGLAHOK.
PARAAN NG PAGPILI
Ang bawat kandidato ay sasailalim sa isang masusing pag-aaral at pagsisiyasat na isasagawa ng mga lupon ng inampalan. Isa lamang na karapat dapat ang maaaring magkamit ng bawat parangal. Ang pasya ng mga hurado nararapat na igalang at maaari lamang nilang baguhin kung kinakailangan.
ARAW NG PAGPAPARANGAL
Ang araw ng pagpaparangal ay gaganapin sa ika-10 ng Hunyo kaalinsabay sa pagdiriwang ng ika-114 taon ng kalayaan ng Pilipinas. Ipagbibigay alam sa mahihirang na siya ang napili sa takdang panahon.
Bukod dito ay magkakaroon rin ng “ BEST BOOTH CONTEST” sa nasabing pagdiriwang. Para manalo, ang mga booths ay kailangang nagtataglay ng mga sumusunod:
Booth will be judged based on the following five components.
1. Creativity, imagination and originality.
2. Use of your product, images and visuals in your booth design.
3. Booth staff’s enthusiasm, friendliness and interaction with attendees.
4. Promotional giveaways and cleanliness.
5. Overall appearance and experience.
Samantala, may isa pa ring contest na kasalukuyang sumisikat sa bansa na gaganapin din sa June 10. Ito ay ang Street Dancing Competition. Sa mga grupo, asosasyon at community na nais sumali, mangyaring isaalang alang ang mga sumusunod:
Basic Rules and Criteria
1. One team leader per community
2. At least 15 to 30 members per community
Performance
1. Maximum routine length is 3 minutes
2. All stunts are prohibited
Scoring System:
Performance Criteria ( 60% )
a. Creativity – 10
b. Spacing, formation, staging – 10
c. Showmanship – 10
d. Attire – 10
e. Entertainment Value – 10
f. Variety of Styles – 10
Skills Criteria ( 40% )
a. Musicality – 10
b. Timing – 10
c. Execution – 10
d. Difficulty of Styles – 10
100% – total score
Para sa inyong mga katanungan, makipag-ugnayan lamang sa PIDA – Philippine Indipendece Day Association sa numero 0639746621 o Benjamine Velasquez 3347201507 para sa Outstanding Italian Citizen Recognition at Armand Noma 3204631904 para sa Street Dancing Competition.