in

PIDA, Handa na para sa Nalalapit na Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

Kasado na ang Philippine Independence Day Association (PIDA) para sa nalalapit na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ngayong taon. Pinaghahandaan na ng grupo ang isang makabuluhang selebrasyon upang ipagdiwang ang ika-127 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas sa Roma.

Tulad ng mga nagdaang taon, inaasahang magiging masaya at makulay ang okasyong ito. Magsasama-sama ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang panig ng Italya upang ipakita ang yaman ng kulturang Pilipino, alalahanin ang kasaysayan, at ipagdiwang ang pagkakaisa ng ating lahi.

Ayon sa PIDA, gaganapin ang pagdiriwang sa June 15, 2025, sa Sala Olimpia, Ergife Palace Hotel. Tampok sa selebrasyon ang iba’t ibang aktibidad tulad ng cultural performances, parada, musika, at masasarap na pagkaing Pilipino. Magkakaroon din ng mga eksibisyon at programa na naglalayong ipakita at ipagmalaki ang talento ng mga Pilipino sa sining, musika, at iba’t ibang larangan.

Bagong Halal na Opisyal at Pinuno ng mga Komite

Kamakailan lamang ay nagdaos ang PIDA ng eleksyon para sa mga bagong opisyal at pinuno ng iba’t ibang komite. Sila ang mangunguna sa pagdiriwang ngayong taon upang matiyak ang isang matagumpay at makasaysayang selebrasyon.

Narito ang mga bagong halal na Officers:

  • President: Augusto ‘Auggie’ Cruz
  • Vice President: Angel ‘Jun’ Manila
  • Secretary: Analiza Bueno
  • Treasurer: Cristopher Buenaflor

Board of Directors:

  • Joyce Esteban
  • Abel Corpuz
  • Robert Jacinto
  • Archie Bihis
  • Jimmy Ninofranco
  • Archie dela Cruz
  • Bhel Magsino

Board of Auditors

  • Arnel Lacson
  • Blas Trinidad
  • Tess Javines

Advisers

  • Judito Estopacia
  • Joselito Viray

Samantala, itinalaga rin ang mga pinuno ng iba’t ibang komite na mamamahala sa iba’t ibang aspeto ng pagdiriwang.

Ang bagong pamunuan ay may mahalagang papel sa pagtataguyod ng diwa ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng isang makasaysayang pagdiriwang ng ating kasarinlan. Sila ay nanumpang tapat na gagampanan ang kanilang tungkulin at taos-pusong tinanggap ang responsibilidad na ito.

Samantala, patuloy na hinihikayat ng PIDA ang lahat ng Pilipino sa Roma at mga karatig-lungsod na makiisa at maging bahagi ng pagdiriwang na ito bilang mga performers. Sa okasyong ito, muling ipapamalas ng PIDA ang lakas, galing, at talento ng lahing Pilipino.

Mula noong 2009, ang PIDA ay ang opisyal na asosasyon na nangangasiwa sa taunang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Roma.

Para sa pinakabagong updates, kumpletong detalye ng programa, at impormasyon kung paano makakasali bilang volunteer, bisitahin ang opisyal na PIDA social media page o makipag-ugnayan sa kanilang mga kinatawan.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Ang Pagkaka-aresto kay Rodrigo Duterte