Nanumpa ang bagong pamunuan ng PIDA.
Roma – Marso 1, 2013 – Sa pangunguna ni H.E. Ambassador Virgilio Reyes Jr. ay nanumpa kamakailan ang mga bagong halal na pamunuan ng PIDA o ang Philippine Independence Day Association. Layunin ng nasabing asosasyon ang paghahanda at pangangasiwa sa ginaganap na taunang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Roma na bukod sa itinuturing na pinakamalaking pagtitipon ng mga Pilipino sa Italya ay ang pinaka-aabangan di lamang ng komunidad gayun din ng mga Italyano at ibang nasyunalidad.
Ang mga bagong nahalal ay sina:
Judito Estopacia – President
Fresco ‘Pye’ Santos – Vice President
Crispina Zapanta – Treasurer
Zenaida Baro – Secretary
Ernesto Fonacier, Elsa Lim at Joselito Viray bilang mga Councilors
Benjamin Eclarin, Ariel Lachica, Marlon Magpali at Abelardo Corpuz ang mga bumubuo sa Borads of Auditors
Kaagipay ng mga nahalal na bagong pamunuan ay itinalaga rin ang mga Committee Heads, na nagsisilbing working committees ng pagdiriwang.
Ang Sponsorship ay ang komite na nangangasiwa sa pangangalap ng mga sponsors na pinanggagalingan ng tulong pinansyal ng pagdiriwang. Pangungunahan ito ni Pia Gonzalez. Si Reynaldo Cabral naman ang mangunguna sa Finance na nangongolekta ng mga sponsorship fees, gayun din ng makukuhang pondo buhat sa mga raffle tickets ng Raffle Committee, na pinangungunahan ni Marie Jane C. Dameg, at pondo buhat sa mga booths at tiendas ng Booth/Tienda Committee sa pangunguna ni Ruel Sandoval. Ang Booth committee rin ang nagpapatupad ng mga rules and regulations sa mga o-okupa ng mga tiendas at nakikipag-ugnayan sa Venue committee na nangangasiwa sa lugar na pinagdadausan na pangungunahan ni Auggie Cruz. Ito ang nagsasa-ayos sa ground lay-out o ang pagbabahagi ng mga booths sa mga partesipante. Kabilang din sa tungkulin ng nasabing komite ang pagtatayo at pagkakalas ng mga kinakailangan sa pagdiriwang tulad ng stage, booths, paglalagay ng banner at posters ng mga sponsors.
Kasama ng Venue ay ang Security na nanganagsiwa naman sa pangkalahatang seguridad ng pagdiriwang kabilang ang pagsasaayos sa mga dadalo, sa mga panauhing pandangal, pananatili ng peace and order at nakikipag tulungan sa Munisipyo at mga awtoridad. Ito ay pangungunahan ni Demetrio ‘Bong’ Rafanan.
Ang Services naman ay tinitiyak ang pagkakaroon ng medical at first aid services. Nakikipag -ugnayan sa AMA at ilang tanggapan ukol sa kalinisan at lugar na pinagdadausan. Sa katunayan ay bumubuo rin ng sub-committee na mangangasiwa sa kalinisan habang at pagkatapos ng pagdiriwang. Si Romulo Salvador ang mangunguna sa Services.
Kabilang din sina Armand Noma sa Program comittee, Bhel Magsino sa Food, Nori Argana sa Reception, Yolanda Abu sa Ecumenical at Jessie Ramirez naman para sa Publicity.
Bukod dito, ay mahalaga ang bahaging ginagamapanan ng mga kabilang na asosasyon sa paghahanda. Ang kanilang kooperasyon at pagbibigay panahon ay isa sa mga tagumpay ng taunang pagdiriwang na nagbubuklod sa buong komunidad.
Samantala, ngayong taon ang pagdiriwang ay gaganapin sa June 9, ito ay batay sa inaprubahang dokumento ng 2nd Municipality of Rome, na sumasakop sa Piazza Ankara kung saan ginaganap ang taunang pagdiriwang.