in

Pilgrims Bible Baptist Church sa Roma, nagdiwang ng anibersaryo

Ipinagdiwang ang ika-13 taong anibersaryo ng Pilgrims Bible Baptist Church.

altRome, Mayo 28, 2012 – Ang pagdiriwang ng mga anibersaryo ay pagkakataon ng pagsasaya sa kadahilanan na ang mga ito ay kagandahan ng loob ng ating Panginoon.  Kaya naman, ang 13th Year Firstfruit & Thanksgiving Anniversary ng Pilgrims Bible Baptist (PBB) Church Rome ay buong araw na ipinagdiwang noong Mayo 20, 2012 sa Campo Sportivo A.S. Detroit sa Via Monte Ruggero sa Roma sa pangunguna ng kanilang resident preacher na si Pastor Arnold Julian. 

“Trust the Lord and Trust His Word.”  Ito ang naging tema ng isinagawang selebrasyon ng anibersaryo ng PBB Church Rome sa taong ito.  Ang  nasabing selebrasyon ay dinaluhan din ng iba pang miyembro ng kanilang kapatiran mula pa sa ibang panig ng Italya:  PBB Outreach Bari, PBB Mission Bologna, PBB Mission Florence at  PBB Outreach Milan.  Naimbitahan sa nasabing okasyon bilang panauhing tagapagsalita si Rev. Jun P. Tan.

altSi Pastor Arnold Julian ang kauna-unahang nagsimula ng mga gawain ng PBB sa Roma labing-tatlong taon na ang nakakaraan kasama ang mga kauna-unahan  nitong  sampung miyembro.  Nang simulan nila ang pagtataguyod sa PBB noong taong 1999, sa mismong bahay lamang ni Pastor Arnold sa Montesacro sila nagsasagawa ng mga pagtitipon at bible study.   Pagkalipas ng dalawang taon,  at dahil na rin sa patuloy na paglago ng PBB, nag-desisyon silang lumipat sa mas malaki at maayos na lugar sa Via San Giovanni di Laterano.  Patuloy na lumago ang mga gawain ng PBB sa Roma kaya hindi nagtagal, mas kinakailangan na nilang lumipat sa mas malaking lugar na agad naman nilang natagpuan sa zona ng Cornelia, sa Via Pio IV, 93, 95, 97.    Hanggang sa kasalukuyan, dito sa lugar na ito sila nagsasagawa ng mga regular worship services tuwing araw ng Huwebes, mula 5:30 p.m. – 7:30 p.m., samantalang tuwing araw naman ng Linggo mula 9:00 a.m. – 6:00 p.m. 

Sa lahat ng miyembro ng Pilgrims Bible Baptist Church Rome, kami po sa AKO AY PILIPINO ay nakikisaya sa inyong  13th Year Firstfruit & Thanksgiving Anniversary! (ni: Rogel Esguerra Cabigting)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Napolitano: “Ikalawang henerasyon, mahalagang bahagi ng ating lipunan”

Stop sa mas mataas na halaga ng car insurance ng mga imigarnte