Sa Nob. 11 ay bubuksan ang 26th Southeast Asian Games at ikalima ang Pilipinas sa may pinakamalaking delegasyon ng 747, atleta at mga opisyal pagkatapos ng Thailand, Indonesia, Vietnam at Malaysia, sa Jakarta at West Java.
Ngunit 42 piraso ng gintong medalya ang ating kaagad pinakawalan. Hindi ito dahil sa kawalan ng kakayahan ng mga atleta kundi dahil walang entry ang bansa sa mga hindi gasinong kilalang sport na vovinam, kempo at roller skating. 42 gintong medalya ang kaagad na nawala sa mga Pinoy sa kabuuang 545 gold medal na nakataya sa 11-nation biennial meet.
Samantala, inaasahang makikipagsabayan ang mga Filipino sa nakatayang 46 ginto, swimming (38), taekwondo (21), pencak silat (18), gymnastics at karate (tig-17), fin swimming (16), judo (16), canoeing (15), boxing (14), sailing (14) at weightlifting (14). Gayundin sa archery, bagong event na sport climbing, billiards at bowling may tig-10 bawat isa at water ski (11) at rowing (11).
Magtatapos naman ang Games sa Nob. 22.