Nahuli noong nakaraang Disyembre 31 ang asawang hinihipuan ang menor de edad na anak. Ang ama, ay sinasabing marahas sa pamilya ngunit hindi kahit kailan nai-report sa awtoridad dahil sa takot.
Roma. Pebrero 5, 2014 – Inaresto ang isang Pilipino G.O.B., 41 anyos, residente sa Monteverde (Roma) sa kasong pang-aabuso sa menor de edad at pananakit.
Sa katunayan, anim na taon ng hinahalay ng ama ang anak na menor de edad na itinago ang pang-aabuso ng ama dahil sa takot. At noong nakaraang dec 31, ayon sa report ng ina ng biktima, ay nahuli ang asawang hinihupuan ang anak. Matapos, ay nagkaroon ng mabigat na away ang mag-asawa dahil sa pinipigilan ang babaeng i-report ang mga natuklasan. Umabot hanggang sa kalsada ang away ng dalawa na naka-agaw ng pansin ng nagro-rondang mga pulis.
Ipinagkatiwala ng ina sa pulisya ang kaso matapos mapaamin ang anak sa pang-aabuso ng ama sa loob ng 6 na taon. Sinimulan ang imbestigasyon. Samantala, ang Pilipina at ang mga anak nito ay napasa-ilalim ng proteksyon ng awtoridad.
Hanggang sa isang warrant of arrest ang ipinalabas kahapon ng umaga laban sa Pilipino.
Ayon pa sa ina ng biktima, ang asawa ay madalas na nananakit sa pamilya ngunit hindi kailanman ini-report sa pulisya upang maiwasan ang lalong paglalà ng sitwasyon.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]