Tatlong mga dayuhan ang kinilala, natuklasang mayroong mga police record at nasasangkot sa pagbebenta ng shabu sa Modena.
Ito ay bahagi ng pagsugpo sa krimen at pagtugis sa mga nagbebenta at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa bahagi ng Via Mantegna at Via Fratelli Rosselli sa Modena.
Ayon sa mga report, kahina-hinala umano ang pabalik-balik ng mga dayuhang Pinoy at mga East Europeans sa isang garage, dahilan ng naging mas malalim na pagmamanman sa lugar.
Tatlong mga dayuhan ang kinilala at natuklasang lahat ay mayroong police record. Partikular, isang Pinay, 38 anyos ang inaresto na ng awtoridad noong nakaraang Abril dahil sa pagkakasangkot sa pagbebenta ng shabu.
Dahil sa naging record, higit ang naging pagmamanman sa Pinay na nahulihan ulit ng ilang gramo ng shabu sa bag nito, 57.8 gramo na nagkakahalaga ng humigit kumulang na ilang libong euros.
Kasalukuyan pang iniimbistigahan at inaalaman ang naging papel ng dalawa pang dayuhan.