Rome, Enero 20, 2015- Isang caregiver ang namatay sa naging sunog kaninang madaling araw sa Via Cadlolo 118, Rome – sa zona ng Hotel Hilton.
Mabilis na sumaklolo ang bumbero at ambulansya. Ang matandang alaga ay malubhang isinugod sa Gemelli hospital. Sa kasamaang palad ang Pilipina ay walang buhay na natagpuan sa likuran ng isang pinto kanyang tinitirahan, marahil dahil sa matinding usok.
Ayon sa mga report, iniimbestigahan pa ang naging dahilan ng sunog.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]