in

Pinay, iniwan ng employer sa kalsada

Roma, Setyembre 18, 2012 – Isang dalagang Pilipina, 33 taong gulang ang inabanduna ng kanyang mga employer na Russian sa kalsada, sa pagitan ng Forte dei Marmi at Querceta (Versilia) malapit sa golf,noong nakaraang Sabado bandang alas 7 ng gabi. Ang employer ay dapat diumano ihatid  sa airport ang Pinay pabalik ng Pilipinas, matapos maglingkod bilang domestic helper sa villa na pag-aari ng pamilya sa Forte dei Marmi: “Itinawag ka namin ng taxi”, ang iniwang salita ng mga employer bago tuluyang iwanan ang Pinay sa kalsada.

Walang sim card ang cellphone dahil kinuha ito ng employer dahil ito diumano ay pag-aari nila at hindi rin ibinigay ang sweldo ng Pinay na nagkakahalaga ng 500 euros.

Samantala isang dalagang residente ang nakapansin sa dala-dala nitong dalawang bagahe at tinanong kung nangangailangan ng anumang tulong. Ang malabong sagot nito sa wikang italyano ang nagtulak upang tumawag ng pulis na mabilis namang dinala ang dalaga sa tanggapan upang alamin ang buong pangyayari. Napag-alaman ng awtoridad na hindi man lamang alam ng Pilipina kung sino at ano ang pangalan ng naging employer nito at kung saan ito nagtrabaho.  

Pagkatapos ng pagsisiyasat sa kaso ay inihatid sa Pisa airport ang dalaga.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Entry visa para sa vocational course at apprenticeship sa Official Gazette

Masakit sa akin ang hindi naisulong sa Parliyamento ang citizenship – Riccardi