Labing siyam na estudyante ang dumalo sa unang session ng KALI ESCRIMA ang inumpisahan sa Roma noong nakaraang Sabado sa isang gym sa Via Lorenzo Valla n. 15. Pinangunahan ito ng unang unang babaeng maestro ng Doce Pares sa Europa na si Vilma Ramos, kasama ang kanyang mga italian assistants na sina Marco Pratico at Massimiliano Giudice.
“Inaasahan ang pagpapalaganap ng Filipino Martial Arts na gumagamit ng baston o patalim sa pakikipaglaban hindi lamang sa mga Italyano gayun din sa mga kabataang Filipino bilang tanda ng kulturang Filipino”, ayon kay Vilma. “Inaanyayahan ko din ang mga kababaihan, malaki ang maitutulong nito bilang self defense, medyo delikado na rin ngayon ang panahon”, pagtatapos pa nito.