in

Pinay, naka-house arrest dahil sa “5-6”

Isang Pilipina, 43 anyos ang kasalukuyang naka-house arrest dahil sa pagpapautang o mas kilala sa tawag na “5-6” sa mga Pilipino at nahaharap sa krimeng ‘usury

Ayon sa mga report, si Juvy Diaz Siman ay dumating sa Italya ng taong 2000 ang inaresto ng Guardia di Finanza ng Roma o Financial Guard, (ang Italian law enforcement agency sa ilalim ng Ministry of Economy and Finance) dahil sa pagpapautang.

Ayon sa ginawang imbestigasyon ng awtoridad ay sinasamantala umano ng Pinay ang pangangailangang pinansyal ng mga kababayan at pinapahiram ang mga ito kapalit ang malaking interes o tubo, dahilan ng lalong pagkabaon ng mga pinapautang nito.

Bukod dito ay binabantaan din umano ang mga hindi nakakabayad kahit sa pamamagitan ng social network upang mapahiya ang mga ito bukod pa sa paghahasik ng takot sa mga ito sakaling maglakas-loob na ireport ito sa awtoridad.

Labingtatlong pangalan ang nakitang nakatala sa listahan nito at dalawa lamang ang naglakas-loob na i-report ito sa awtoridad.

Ayon sa awtoridad, ang naging pagpapautang ay organized at naging second job ng Pinay.

 

https://www.facebook.com/laziotv.tv/videos/1795730720506971/

PAALALA:

Ang pagpapautang ay mahigpit na ipinagbabawal sa bansang Italya. Ito ay mas kilala sa tawag na “5-6” sa mga Pilipino at itinuturing na krimen na ‘usury’ sa batas ng Italya.

Ang pagpapautang o pagpapahiram ng pera sa kahit na anong interest rate, na walang pahintulot mula sa gobyerno, ay mahigpit na ipinagbabawal sa bansang Italya. Ito ay mas kilala sa tawag na “5-6” sa mga Pilipino at itinuturing na krimen na “usury” sa batas ng Italya.

Tanging mga bangko at registered financial institutions lamang ang pinapayagan ng bansa na magpautang ng pera.

PGA

 

 

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA SAKIT SA BATO

Barrio Fiesta sa ikalawang taon!