Isang Pilipina, 43 anyos ang kasalukuyang naka-house arrest dahil sa pagpapautang o mas kilala sa tawag na “5-6” sa mga Pilipino at nahaharap sa krimeng ‘usury’
Ayon sa mga report, si Juvy Diaz Siman ay dumating sa Italya ng taong 2000 ang inaresto ng Guardia di Finanza ng Roma o Financial Guard, (ang Italian law enforcement agency sa ilalim ng Ministry of Economy and Finance) dahil sa pagpapautang.
Ayon sa ginawang imbestigasyon ng awtoridad ay sinasamantala umano ng Pinay ang pangangailangang pinansyal ng mga kababayan at pinapahiram ang mga ito kapalit ang malaking interes o tubo, dahilan ng lalong pagkabaon ng mga pinapautang nito.
Bukod dito ay binabantaan din umano ang mga hindi nakakabayad kahit sa pamamagitan ng social network upang mapahiya ang mga ito bukod pa sa paghahasik ng takot sa mga ito sakaling maglakas-loob na ireport ito sa awtoridad.
Labingtatlong pangalan ang nakitang nakatala sa listahan nito at dalawa lamang ang naglakas-loob na i-report ito sa awtoridad.
Ayon sa awtoridad, ang naging pagpapautang ay organized at naging second job ng Pinay.
Tg Gold ROMAIN MANETTE USURAIA FILIPPINAIl video della Guardia di FinanzaPrestava denaro ai suoi connazionali con tassi di interesse annui che superavano a volte anche l'80%. Si tratta di una cittadina filippina di 43 anni, Juvy Diaz Siman, in Italia dal 2000, che è stata arrestata dai Finanzieri del Comando Provinciale di Roma per usura e abusiva attività finanziaria. Come ricostruito dalle Fiamme Gialle del Nucleo di Polizia Economico-Finanziaria della Capitale, la donna approfittava delle difficoltà economiche delle vittime e sfruttava la forte coesione e la riservatezza che caratterizzano la comunità filippina. L’usuraia intimidiva i suoi debitori, anche attraverso i social network, screditandoli agli occhi dei connazionali e generando il timore di risultare invisi e discriminati qualora avessero denunciato i fatti. A riprova dello stato di soggezione delle vittime (tredici quelle menzionate in un quaderno utilizzato dall’indagata per la tenuta della “contabilità” illecita), solo due donne, ormai giunte all’esasperazione, hanno trovato il coraggio di sporgere denuncia. “L’attività di concessione di crediti” – osserva il GIP nel provvedimento cautelare – “appare sistematica e organizzata… Non essendosi l’indagata prestata solo occasionalmente a corrispondere denaro a strozzo ma avendo ripetuto nel tempo e sino ad epoca recente tale attività”, ne ha fatto “un vero e proprio secondo lavoro, sì da integrare stabilmente le sue entrate lecite”, derivanti dall’attività di badante e colf.
Posted by LazioTV on Wednesday, May 30, 2018
PAALALA:
Ang pagpapautang ay mahigpit na ipinagbabawal sa bansang Italya. Ito ay mas kilala sa tawag na “5-6” sa mga Pilipino at itinuturing na krimen na ‘usury’ sa batas ng Italya.
Ang pagpapautang o pagpapahiram ng pera sa kahit na anong interest rate, na walang pahintulot mula sa gobyerno, ay mahigpit na ipinagbabawal sa bansang Italya. Ito ay mas kilala sa tawag na “5-6” sa mga Pilipino at itinuturing na krimen na “usury” sa batas ng Italya.
Tanging mga bangko at registered financial institutions lamang ang pinapayagan ng bansa na magpautang ng pera.
PGA