in

Pinay, namultahan sa paglabag sa anti-covid19 preventive measures

Ako ay Pilipino
Obligasyong mag-suot ng mask sa outdoor, kailan tatanggalin?

Isang Pilipina ang namultahan ng € 400,00 sa Parma Italy kamakailan. 

Ayon sa ulat, pumasok umano ang Pinay sa isang post office sa Parma na nakababa ang mask. Ito ay nakatawag ng pansin ng empleyado ng ufficio postale at pinagsabihan ang Pinay upang isuot ng wasto ang mask. 

Ngunit hindi umano natinag ang pinay na naging dahilan ng pagtawag ng ufficio postale ng mga nagpa-patrol na mga pulis. 

Sa kabila ng ginawang protesta at pagtanggi ay minultahan ang pinay ng € 400. Ito ay dahil sa naging paglabag sa anti-covid19 preventive measures. 

Tandaan na sa panahon ng pandemya ay mahigpit na ipinatutupad sa Italya ang mga preventive measures upang labanan ang Covid19. Kabilang na dito ang 3 simpleng bagay na dapat tandan ng lahat. Ang paggamit ng mask (indoor at outdoor), social distancing at pagpapanatili ng malinis na kamay.

Ang sinumang lalabag ay mumultahan mula € 400 hanggang € 1000. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

angkop na tirahan para sa ricongiungimento familiare Ako Ay Pilipino

Ano ang angkop na tirahan para sa ricongiungimento familiare?

Halaga ng kontribusyon 2021 Ako Ay Pilipino

Halaga ng kontribusyon 2021 sa domestic job, walang anumang pagtaas