Isang Pinay caregiver ang natuklasang nag-withdraw sa ATM card ng inaalagaang matanda.
Roma – Marso, 22, 2015 – Isang 41 anyos na Pinay caregiver ang ini-report sa awtoridad ng Stazione Roma via Vittorio Veneto kahapon matapos nadiskubreng nag-withdraw sa ATM card ng inaalagaang matanda.
Ayon sa naging imbestigasyon ng mga militar, patago umanong kinuha ng caregiver ang atm card o bancomat ng inaalagaang matanda, 77 anyos. Pagkatapos ay mabilis na lumabas ng bahay para mag-withraw ng halagang 650. Ibinalik ang bancomat sa wallet ng matanda pagkatapos sa paniniwalang hindi ito matutuklasan.
Ngunit ang matanda ay napansin ang halagang kulang sa kanyang bank account at hindi nag-atubiling lumapit sa carabinieri upang i-report ang inaakalang pagkaka-clone sa kanyang atm card.
Sa kasamaang palad, matapos ang mga pagsisisyasat ng mga militar ay natuklasan ang ginawa ng pinagkakatiwalaang caregiver.
ni: PGA
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]