Sa kabila ng pandemya, ay tuloy pa rin sa pag-abot ng pangarap si Nizzil Jimenez. Ang 46 anyos at tubong Lanao del Norte ay ang pinay singer mula Turin, Italy.
Inilunsad kamakailan ang unang single ng pinay singer, ang “Sasapit ang Pasko“. Ito ay bahagi ng kanyang ikatlong album sa ilalim ng Seventy Records ng Italya.
Ayon kay Nizzil, lubos ang pasasalamat niya bilang isang Pilipino. “Ako ay super proud dahil hindi ko akalain na aalukin ako na gumawa ulit ng album. Ito ay may 8 original songs at lahat ay OPM songs”, ayon kay Nizzil.
“Una sa lahat nagpapasalamat ako kay Lord sa opportunity na ibinibigay sa akin. Nagpapasalamat din ako sa aking pinoy composer na si Eric Buenviaje. Sya rin ang nagbigay daan para maipagpatuloy ko ang aking pangarap bilang isang manganganta”.
Kahit nasa kalagitnaan ng pandemic, payo ni Nizzil sa mga musikero at talentong pinoy, na laban lang at huwag susuko. “Tuloy ang pangarap, ika nga”, ayon pa kay Nizzil.
Ang unang album ni Nizzil ay inilabas noong 2017, ang “My dream“. Noong 2019 naman ay inilabas ang kanyang second album “Rainbow“.
“Sana po ay patuloy akong suportahan ng mga kababayan natin dito sa Italya at sa buong mundo para maishare ko po sa lahat ng kababayan natin ang sariling awiting pilipino”.
Basahin din:
- Pinay singer sa Turin, maglalabas ng unang album kasabay ng live concert
- Album launching kasabay ng live concert ng Pinay singer sa Italya, matagumpay