in

Pinay, tumatakbo sa Senado sa nalalapit na Eleksyon sa Italya

Josephine Pasco, 62 anyos at tubong Olongapo City, ang tanging Pilipinang kandidata sa Senado, sa ilalim ng partidong Noi Moderati ng Centro Destra, sa nalalapit na eleksyon sa Italya.

Il coraggio e la speranza, sono i sentimenti che hanno dato e danno senso alla mia vita”.

Ang tapang at pag-asa ay ang nagbigay at nagbibigay kahulugan sa aking buhay”.

Nilisan ni Josephine ang Pilipinas apatnapung taon na ang nakakaraan. Hinarap ang isang bagong mundo at hinamon ang sarili para sa isang bagong buhay, wika at kultura sa lungsod na simbolo ng social inclusion, sensitivity, professionalism at industriousness, ang Milan.

Sa paglipas ng mga taon, ang baong edukasyon mula sa Pilipinas ang naging susi sa kanyang pakikipagsapalaran at pagsusumikap. Naging staff ng isang Condominium administrator sa Barzio (LC) ng pitong taon; sales manager ng Vista properties Milan branch ng anim na taon; commercial officer ng LPHI Immobiliare ng limang taon. Kasalukuyang presidente ng Community Service Association, isang non-profit cultural association sa Milan. Nagpapatakbo rin ng isang CAF/Patronato sa halos sampung taon nang nagbibigay tulong hindi lamang sa mga kababayang Pilipino kundi pati sa mga dayuhan at mga Italyano na naninirahan sa Milan. 

Muli, isang bagong hamon ang aking buong tapang na hinaharap, ang aking pagtakbo sa Senado, ako po ay nananawagan sa inyong suporta sa aking piniling kahulugan ng aking buhay, ang tapang at pag-asa. 

Tapang, dahil ang trabaho at mga problema na sama-samang nating haharapin ay hindi madali. Ang problema ng social inclusion ng maraming dayuhan at ng kani-kanilang mga pamilya, edukasyon ng mga anak. Higit sa lahat, tapang para sa isang matatag at maaasahang pamahalaan para sa politika ng muling pamumuhunan sa kabataan at sa yaman ng bayan.

Pag-asa para sa muling pagkakaroon ng isang bansang pantay at may rispeto sa lahat ng mga mamamayan at kapaligiran”. (PGA)

Para sa mga nais na makausap si Josephine Pasco, josephinepasco25@gmail.com

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 1.5]

Bonus Sociale 2022, pinalalawig ng Decreto Aiuti Bis 

minimum salary required permesso di soggiorno Ako Ay Pilipino

Bagong € 150 bonus, hatid ng Decreto Aiuti ter