in

Pinay, wanted ng apat na buwan arestado na

Inaresto ng pulisya ng Roma Casilina ang isang 69 anyos na Pilipina sa muling pagbabalik sa Italya. 

Roma, Setyembre 4, 2013 – Ang Pinay, isang regular na colf sa bansa, ay ang pinaniniwalaang pangunahing suspect bilang master-mind ng tinaguriang ‘usura filippina’ o ng grupo ng mga Pinoy na iligal na nagpapa-utang sa kapwa Pinoy na tinutukan ng awtoridad noong nakaraang May 7, kung saan 10 katao ang inaresto

Nakaligtas ang Pinay habang iniimbistigahan ang nasabing operasyon at sa kanyang muling pagbabalik sa Italya kahapon ay inaresto ng mga militar base sa warrant of arrest na inilabas ng gip ng Tribunale di Roma
 
Kasalukuyang nakakulong ang Pinay. 
 
Ang pagkakadakip sa suspect ang nagbigay ng konklusyon sa imbestigasyon ukol sa pagpapahiram ng pera sa mga kapwa Pinoy na umaabot hanggang sa 80% ang interes per annum. 
 
Umabot sa 100 ang kumpirmadong biktima ng nasabing ‘gang’. 
 
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ikalawang CCNL, ipinatutupad mula noong Hulyo

Piña-Abaca-Banana Go to Rome