in

Pinoy arestado dahil sa shabu

Roma, Pebrero 19, 2014 – Isang 58 anyos na Pinoy ang inaresto kahapon ng awtoridad sa Grottarossa.

Kilala sa tawag na “Totti”, ang Pinoy ay nahuli sa akto habang nagbebenta ng drugs sa parco della Pace.

Matapos manmanan ang kahina-hinalang kilos at palitan ng pera sa pagitan ng dalawa ay nilapitan ito at inaresto ng mga pulis na naka-civilian ng Commissariato Flaminio sa pangunguna ni Dr.ssa Paola Di Corpo.

Ayon sa report, ang kliyente ay may hawak pang foil sa kamay kung saan nakabalot ang shabu.

Samantala, marami ring natagpuan na nakabalot na shabu, bukod pa sa 700 euros cash sa bulsa ng pusher na kinumpiska ng mga pulis.

Maging sa tahanan ng suspect, sa ginawang raid sa Grottarossa ay natagpuan  din ang 4,500 euros na hindi maipaliwanag ng Pinoy ang pinagmulan nito.

Ang pusher ay makukulong ng 1 taon at 8 buwan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Charity walk ng INC, ginawa rin sa Roma!

Maternity at big family benefits sa taong 2014