Milan, Disyembre 5, 2014 – Isang caregiver na Pilipino ang inaresto sa Milan matapos mapatunayan, sa pamamagitan ng isang hidden camera, ang paulit-ulit na pagnanakaw nito sa matandang inaalagaan.
Ang halos nobenta anyos na ulianing Italyano ay araw-araw na dinadala ng 43 anyos na tagapag-alaga nito sa banko at bar. Malaki ang tiwala ng mga anak ng matanda dahil ang mga magulang ng tagapag-alaga ay caretaker sa building kung saan ito nakatira pati na rin ang isang anak nito (sa itaas ng apartment ng ama).
Ang mga anak mismo ng inaalagaan ang nakadiskubre sa pagnanakaw ng Pilipino dahil sa mabilis na nuubos umano ang laman ng bank account ng kanilang ama, bukod pa sa bayarin sa dalawang tagapag-alaga nito.
Ini-report sa pulis ang hinala ng mga anak na mabilis namang naglagay ng hidden camera .
Labing-apat na beses tuwing ikalawang araw, nai-video ang Pilipino at kitang-kita dito kung paano dinudukot mismo sa bulsa ng jacket ng matanda o buhat kaha de yero ang kabuuang 800 euros na nakuha ng Pinoy mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 26. Ayon sa kalkulasyon ng mga anak, tuwing ikalawang araw, sa loob ng isang buwan ay pinag-nakawan ang kanilang ama ng 1 o 2 singkwenta euro.
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]