in

Pinoy, arestado sa Roma dahil sa shabu

Isang 46 anyos na Pilipino na naninirahan sa Roma ang inaresto ng mga awtoridad ng Roma Centro kamakailan dahil sa ipinagbabawal na droga, ang shabu. Isang 51 anyos na Romano at may dalawa pang Pilipino ang kasamang inaresto, isang 53 anyos na walang pirmihang tirahan at isang 30 anyos na may dati ng kaso sa kapulisan.

Ayon sa mga ulat, napansin umano ng mga awtoridad ang 46 anyos na kahinahinalang pagala-gala sa may istasyon ng treno sa San Pietro at ng kontrolin ito ng mga pulis ay nakitaan sa bulsa ng 4 na gramo ng shabu. Hinaluglog din ang tirahan ng Pinoy at may iba pang mga dosis ng droga na nakita sa silid nito. May nakita ding timbangan at iba pang gamit para sa pagbebenta. May nakita ding salapi na pinaghihinalaang bunga ng bentahan ng droga. 

Sa nasabing tirahan nakita ang Italyano at ang dalawa pang Pilipino. Ang Italyano ay naiulat na sa tanggapan ng Mahistrado at ang dalawa naming Pilipino ay kinasuhan ng iligal na posesyon ng pinagbabawal na gamot. Samantala, naka “house arrest” sa kanyang tahanan ang inarestong Pilipino habang naghihintay ng angkop na proces. (ni: Teddy Perez)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kaibahan ng Allergic Reaction sa Coronavirus Infection?

Team Bayanihan sa Roma, pinangungunahan ng mga Kabataan