in

Pinoy, biktima ng pananaksak sa Reggio Emilia

Kasalukuyang naka-confine sa ospital sa Reggio Emilia ang 28-anyos na pinoy matapos itong saksakin ng kanyang kasamahan sa bahay na 29-anyos na italyano kahapon ika-11 ng marso taong kasalukuyan.

Agad na rumisponde ang isang rescue team matapos matanggap ang emergency call mula sa may Via Gramsci na sinundan naman agad ng patrol ng mga kapulisan.

Hindi pa malinaw ang pinagmulan ng mainit na pagtatalo ng dalawa. Hinihinalang problema sa pagsasama sa apartment ang sanhi ng matinding away na nauwi sa pagkakasaksak ng pinoy.

Sa pagdating ng ambulansya ay natagpuang nakahandusay ang duguang biktima na nagtamo ng matinding tama sa tiyan. Agad na itinakbo ito sa pinakamalapit na hospital, “codice rosso” ang ibinigay ng central rescue unit.

Samantala, naging mabilis naman ang naging aksyon ng mga awtoridad. Sa loob lamang ng halos dalawang oras ay naisagawa ang paunang imbestigasyon at agad na natunton ang suspek. Isang umanong mahabang kitchen knife ang ginamit ng maysala na hindi naman umano nagmatigas sa mga pulis nang ito ay arestuhin sa loob ng kanilang bahay, di kalayuan sa lugar kung saan natagpuan ang sugatan.

Malalim ang tinamong sugat ng biktima, dahilan upang ito ay dalhin sa ICU at hanggang sa ngayon ay nasa masamang kalagayan. Arestado ang italyano at nahaharap sa salang frustrated homicide. (ni: Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Patuloy na misyon ng Task Force Covid 19, para sa kapakanan ng bawat Pilipino sa Italya

Pinoy patay matapos mabaril ng pulis sa Milano Ako Ay Pilipino

Sampung Pinoy, nireklamo dahil sa “jamming session” sa isang bahay