in

Pinoy dance concert tagumpay sa ikalawang taon

Mahigit limampung mga kabataan ang nagpakita ng kanilang talento sa ginanap na dance concert. Ito ay isa sa mga pagdiriwang kung saan may pinakamalaking bilang ng mga kabataan na nag-perform sa kasaysayan ng mga Pinoy sa Italya.

 

Milan, Enero 12, 2016 – Sa ikalawang pagkakataon ay tagumpay ang dance concert na pinamagatang “ Christmas in our hearts” na inorganiza ni VIP dance group, sa pangunguna ni dance instructor Xp Evangelio Dimaano. Ito ay ginanap sa teatro Asteria Milan, Italy.

Mahigit limampung mga kabataan ang nagpakita ng kanilang talento sa pamamagitan ng pagsayaw at isa na ito sa pinakamalaking bilang ng mga kabataan na nag perform sa isang dance concert sa kasaysayan ng mga Pinoy sa Italya.

Nagsimula ang nasabing concert sa pagbibigay pugay sa watawat at pag awit ng Philippine at Italian national anthem.

             Nagsimula ang concert sa pag-awit ng Philippine at Italian national anthem.

 

 Kahanga-hanga ang mga kabataan na naturuang awitin ang “Lupang Hinirang” sa pamamagitan ni kanilang singing instructor na si Laarni de Silva sa kabila ng karamihan sa kanila ay ipinanganak dito sa Italya.

Mga Philippine cultural dances ang pambungad ng kanilang show na siyang hinangan ng mga manonood.

At sinundan na ito ng iba’t ibang sayaw mula sa mga old school dances hanggang sa mga makabagong sa sayaw.

Ang mapanatili lagi sa mga Pilipino ang kultura kagaya ng ipinakita namin na ‘pandango sa ilaw’ kung saan nakikita ang paggalaw ng mga ilaw sa baso na hawak ng mga bata, ay ang gusto kong ipakita sa mga bagong miyembro” masayang sinabi ni Dimaano sa Ako ay Pilipino.

Mahigit limang buwan nila itong pinaghandaan ayon pa sa dance instructor. Mahigit 50 na mga estudyante at inaasahang dadami pa ito sa darating na taon.

    Mahigit 50 na mga estudyante ng VIP dance group ang naging bahagi ng concert.

 

Matatandaang ang unang concert ng grupo ay ang “Unang Hirit sa Pasko, Dance Concert 2014 na ginanap din sa teatro Asturia kung saan humigit kumulang na 30 mga kabataan ang nagperform sa nasabing concert. At ang susunod na project ni Dimaano ay ang sing and dance concert ng mga cover songs ng mga sikat ng singers sa international music and dance industry.

 ni Chet de Castro Valencia

larawan ni Bryan Lajarca

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Multiple Encounter, ginanap sa Montecatini Terme, Toscana

Batas sa pagpapatalsik, hinihintay upang matanggal ang reato di clandestinità