in

Pinoy drug pusher na gamit ang monopattino, kinasuhan sa Roma

monopattino Ako Ay Pilipino

May mga katagang malimit banggitin nating mga pinoy: “para-paraan!”  Isang 36-anyos na pinoy ang nakaisip ng modernong paraan ng pagbebenta ng bawal na gamot. Halos door-to-door delivery ang kalakalan. Hindi sakay ng kotse, hindi sakay ng motor, at lalong hindi nakabisikleta o naglalakad. Sa pagkakataong ito, ang natimbog na drug pusher ay isang “monopattino” rider, ang makabagong tawag sa electric scooter sa Italya. 

Ang eksena ay nangyari sa Roma, malapit sa may Metro ng Ottaviano. Nakakalat ang mga kapulisan sa Roma Capitale dahil din sa ipinatutupad na DPCM. May nakatawag pansin sa atensyon ng mga pulis na nagpapatrol sa mga oras na iyon. Kakaiba ang ikinilos ng pinoy na parang gustong umiwas sa posibleng kontrol. Kapansin-pansin ang biglang pagbaba nito sa kanyang scooter. Kita ng mga pulis ang intensyon na itago nito ang dalang bag matapos mamataan ang mga awtoridad. Mabilis na nilapitan ang suspek at saka siniyasat. Sa loob ng knapsack ay natagpuan ang mga nirepack na shabu. Ang mga dosis ay maingat na nakasilid sa dalawang pakete ng sigarilyo. Malinaw na nakahanda na itong ipamahagi sa mga kliyente. 

Matapos makakuha ng ilang detalye pati na rin mga dokumento ay binitbit na ang maysala. Sa Commissariato di Prati ay sinampahan ang monopattinista ng possession of illegal drugs.

Mapapansin na ilang araw nang maraming nahuhuling mga users at pushers sa maraming bahagi ng bansa. Ito ay bunga ng mas pinaigting na kampanya laban sa krimen at ipinagbabawal na gamot. (Quintin Kentz Cavite Jr.)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ilang katao sa pribadong sasakyan Ako Ay Pilipino

Ilang katao ang maaaring sumakay sa pribadong sasakyan sa panahon ng pandemya?

Pinoy nurse, napiling magbakuna sa mga Frontliners sa Milan Ako Ay Pilipino

Pinoy nurse, nagbabakuna sa mga Frontliners sa Milan