in

PINOY Entrepreneurs sa Roma

Roma, Marso 3, 2014 –Dalawang kababayan natin ang kasalukuyang nagbibigay inspirasyon at patunay na hindi nawawalan ng pag-asa ang lahing Pinoy sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

Si Randy Sebastian ay mula sa bayan ng Talisay, Batangas. 14 years old pa lamang siya ng manirahan dito sa Italya kasama ang kanyang pamilya. Dito na rin sya nakapagtapos ng pag-aaral at nakapagtrabaho bilang isang receptionist sa isang B&B ng apat na taon hanggang siya na ang tuluyang mangasiwa nito dalawang taon na ang nakararaan.

Si Elbert Evangelista ay mula sa Pagkakaisa-Duluhan, Naujan Oriental, Mindoro. Mula sa kanyang bayan ay nagtrabaho siya dito sa Roma sa loob ng 21 years bilang isang colf.

Ang magkaibigan ay nagsisilbi din bilang mga interpreters o translators sa Tribunale sa Roma at sa ngayon ay parehong nagmamay-ari ng isang B&B sa Roma, ang Kambal Bed and Breakfast simula nitong September 2013.

Naingganyo akong pumasok sa sektor na ito at magtayo ng sariling B&B  dahil sa naging experience ko sa trabaho. Doon ay napag-aralan ko kung paano magpatakbo ng ganitong klaseng negosyo”, kwento ni Randysa
Ako ay Pilipino.

Samantala ang pagtulong naman ni Elbert kay Randy sa kanyang spare time ay malaki ang naitulong upang matutunan kung paano ito patakbuhin.

Lakas ng loob, tiwala at suporta ng aming mga pamilya ang naging sandata namin sa pag-uumpisa at higit sa lahat ay sa Panginoon kaya naging isang katuparan ang Kambal B&B”, dagdag ni Elbert.

Ang eternal city, para sa dalawa, ay regular na dinarayo ng maraming turista mula pa sa iba’t ibang parte ng mundo. At batay sa dami ng mga turista ay sumasabay din ang dami ng mga B&B at mga hotels sa lungsod, kaya’t nangangailangan ng full-time at great effort ang pagpapatakbo nito. Bukod sa kailangang makipagsabayan, mayroong low and peak season ang pagpasok ng turista, dahilan upang lalong tutukan ang negosyo.

Bukod sa maipagmamalaki ang cleanliness and orderliness ng kanilang B&B, ay very strategic ang lokasyon nito, dahil malapit sa mga tourists spots.

Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging hospitable at malaking factor ito para amin. We always make sure that our guests feel happy, important and contented. There is a friendly atmosphere. When you are in Kambal, you are home”, ayon pa sa dalawa.

Bakit KAMBAL?Pareho kaming may mga kapatid na kambal. Si Randy ay may kapatid na kambal na babae at ako nama’y babae at lalaki.”, masayang sagot ni Elbert.

Para naman kay Randy, isang tagalog word umano angnapili nilang dalawa upang makahikayat ng mga Pilipino sa ibang bansa na gustong mag-tour sa Roma.

Kapansin-pansin ang pagiging relihiyoso ng dalawa. Sa katunayan makikitang nakasulat sa logo ang katagang “Dio è tutto” o “God is everything”. Kaugnay nito , ipinapayo ng mga entrepreneurs ay ang panahon, pagtitiyaga at panalangin.  

There is no instant success. Lahat ay pinagsisikapan at pinaghihirapan. There is always a right timing for everything. Be patient, persevere and work hard”, paalala ni Randy.

Mahalaga ang pagtulong mula sa puso. Iyon ang aking naging simula and I am thankful to Randy at mula doon ay nagkaroon ako ng experience sa ganitong business. Naniniwala ako na prayers and dedication to work is very important. Ang panalangin na sinasamahan ng gawa ay magtatagumpay”, pagtatapos naman ni Elbert.  (ni: Lorna R. Tolentino – SSFC)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

OUR LADY OF PEÑAFRANCIA AT BICOL SARO ASSOCIATION

LKBP Milan chapter, nagdiwang ng town fiesta