in

Pinoy Marathoners, Nag-courtesy Call sa Ambasador ng Pilipinas sa Roma Bago ang Run Rome Marathon 2025

Isang inspiradong pagkikita ang naganap sa pagitan ng mga Pinoy marathoners at ni H.E. Ambasador to Italy Nathaniel Imperial bago ang Run Rome Marathon 2025.

Sa nasabing courtesy call, ipinakita ng mga atleta ang kanilang determinasyon at pagmamalasakit sa bayan habang inihahanda ang kanilang sarili para sa isa sa pinakamalalaking marathon sa mundo.

Mainit na tinanggap ng Embahada ng Pilipinas ang mga atleta kung saan binigyang-pugay ang kanilang dedikasyon sa sports at sa pagiging kinatawan ng lahing Pilipino sa prestihiyosong pandaigdigang marathon.

Ipinahayag ng Ambasador ang kanyang buong suporta at pinuri silang lahat sa pagmamalaki sa bandila ng Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang pagsali.

Ipinagmalaki din ni Ambassador Natahniel ang mga grupo ng Pilipino sa Italya, partikular ang Philippine Chamber of Commerce in Italy (PCCI) at ang bagong henerasyon ng mga kabataan sa na nakikipagsabayan na sa husay at talino sa iba’t ibang sektor.

Bukod sa paghahanda para sa marathon, naging pagkakataon din ito upang magbigay inspirasyon sa isa’t- isa ang mga atleta na nagbuhat pa sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Narito ang mga Clubs ng mga Pinoy marathoners na kasali sa Run Rome Marathon 2025

  • AV 34’ Club (NL)
  • Runaway Milan
  • Pinoy Runners Dubai
  • Pilipino Runners Modena
  • PURI ASD
  • Pinoy Runners Firenze
  • Pilipino Runners Roma
  • GS Maiano
  • LBM Sports
  • Canada Group
  • EPIC (Ireland)
  • Pinoy Runners USA
  • ASD Maze Runners
  • Pinoy Runners Milan
  • Pinoy Runners Abu-Dhabi
  • Pinoy Runners Netherlands
  • Vicenza Marathon Club
  • Pinoy Runners Barcelona
  • Italia Marathon Club
  • Pinoy Runners Bay Area (California)
  • Life is Good Tri Club Chicago
  • Runner New Jersey
  • LIG Tri Club Washington
  • ASD Atletica Latina
  • Pinoy Teens Salinlahi (Cheer Station- 29Km)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

PIDA, Handa na para sa Nalalapit na Pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

Mga Pinoy mula sa iba’t ibang bansa, sumali sa Acea Run Rome Marathon 2025