Ang pagpapautang ay mahigpit na ipinagbabawal sa bansang Italya. Ito ay mas kilala sa tawag na “5-6” sa mga Pilipino at itinuturing na krimen na ‘usury’ sa batas ng Italya.
Lecce – Isang 53 anyos na Pilipino ang inaresto ng carabinieri sa Lecce at kinasuhan ng ‘usury’.
Ayon sa report, si E.P.P. ay inaresto noong nakaraang Nov 21 habang sakay ng kanyang Mercedes classe A sa via Oberdan.
Naging kahina-hinala para sa awtoridad ang pagdadala nito sa katawan ng € 7,400.00 at $4,500.00 cash. Partikular ang tatlong notebook na kanyang tila listahan.
Matapos ang pagsusuri ng awtoridad ay napatunayang nagpapautang sa mga kababayang Pilipino si E.P.P. na may mataas na interes.
Ang pagpapautang o pagpapahiram ng pera sa kahit na anong interest rate, na walang pahintulot mula sa gobyerno, ay mahigpit na ipinagbabawal sa bansang Italya. Ito ay mas kilala sa tawag na “5-6” sa mga Pilipino at itinuturing na krimen na “usury” sa batas ng Italya.
Tanging mga bangko at registered financial institutions lamang ang pinapayagan ng bansa na magpautang ng pera.