in

Pinoy na nanuntok ng 118 responder sa Firenze, sinampahan ng kaso

Patuloy ang isinasagawang pagiimbestiga ng mga awtoridad sa insidenteng nangyari sa Firenze noong ika-29 ng buwan ng Disyembre 2018 bandang alas 11.30 ng gabi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang ambulansya ng 118 ay mabilis na dumating bilang tugon sa emergency call na natanggap ng rescue central office mula sa mga kamag-anak ng isang 50 anyos na Pilipina na nangangailangan ng medikasyon. Habang nilalapatan ng pangunang lunas ang pasyente ay lumabas ng locale ng via dell’Anconella ang team leader ng rescue unit para makipagusap sa central operator ng 118 at ireport ang sitwasyon ng pasyente at humingi ng kaukulang instructions.

Ilang sandali pa ang lumipas bumalik sa loob ang rescuer at nakita niyang nagkakagulo na at napapalibutan ang kanyang mga kasamahan ng mga kamag-anak at kaibigan ng pasyente. Ayon sa mga testigo, hindi umano kumbinsido ang mga ito sa isinasagawang operasyon ng mga rescuers at lalong uminit ang diskusyon dahil hindi mapagkasunduan kung saang ospital dadalhin ang pasyente. Pumagitna ang team leader para awatin ang mga ito ngunit bigla na lamang itong sinuntok sa mukha ng isang 42 anyos na Pinoy na naging sanhi ng fracture ng ilong ng responder.

Ang sangkot na Pilipino ay agad na naiblotter sa Questura pagdating ng mga awtoridad at nahaharap sa kasong physical injury at grievous bodily harm.

Quintin Kentz Cavite Jr

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Buwis ng 1.5% ipinapataw sa bawat remittance simula Enero 1

pagbabago sa decreti salvini ako ay pilipino

Anim na Rehiyon, salungat sa Decreto Salvini at nagsusulong ng apela sa Constitutional Court