in

Pinoy, nag-suicide matapos arestuhin dahil sa pananakit sa asawa

Tumalon mula sa ika-pitong palapag ng Brotzu hospital sa Cagliari ang isang Pilipino matapos arestuhin dahil sa pananakit sa kanyang asawa. 

Ayon sa mga report, sinugod sa ospital ang 34 anyos na Pilipina matapos saktan ng kanyang asawa gamit ang isang bote. Ang biktima ay nagtamo ng maraming sugat sa katawan. Sa kasamaang palad, hindi miminsang sinaktan ang babae. Madalas umanong pagmalupitan ng Pinoy ang kanyang asawa kahit sa harapan ng kanilang 2 anak – isa at pitong taong gulang- sa kanilang tahanan sa via Pargolesi (Cagliari). Dahil sa kalupitanng ito, ang Pinay ay lumapit na ng ilang beses sa isang asosayon, ang Luna e Sole Onlus, na nagbibigay tulong at serbisyo sa mga kababaihang biktima ng biolensa. 

Ang pananakit sa kalaliman ng gabi ay nagsanhi ng ingay na ikinabahala ng mga kapitbahay na tumawag ng saklolo mula sa mga pulis.

Isinugod din sa ospital ang Pinoy, escorted ng mga pulis, para operahan. Una sa Policlinico at pagkatapos ay inilipat sa Brotzu hospital, kung saan nag-suicide sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-pitong palapag ng ospital. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 2.5]

Presyo ng gasolina sa Italya, patuloy ang pagtaas

Pinoy, nagpakita ng kabayanihan sa Catania