in

Pinoy, nalaglag sa riles ng Metro B sa Roma

Isang 26 anyos na Pilipino ang nalaglag sa riles ng Metro B, sa Eur Magliana Rome kamakalawa, Nov. 29, 2022.

Ayon sa mga ulat, ang Pinoy ay nasagasaan umano ng tren matapos malaglag sa riles ng metro sa dahilang hindi pa matukoy ng awtoridad. Attempted suicide ay isa sa pinaghihinalaang dahilan.  

Mabilis naman na rumisponde ang police patrol kasama ang mga bumbero sa Eur Magliana Metro station. Iniimbestigahan pa hanggang sa ngayon ang insidente, sa tulong ng mga CCTV sa istasyon. 

Ang Pinoy ay isinugod sa San Camillo hospital, codice rosso, dahil sa malalang sugat na tinamo.  Ayon pa sa ulat ng mga police, nasa malubhang kundisyon ang Pinoy ngunit hindi naman umano nanganganib ang kanyang buhay. 

Ang insidente ay nagsanhi ng matinding trapiko sa lugar ng halos dalawang oras. 

Click to rate this post!
[Total: 7 Average: 3.3]

Bonus Cinema 2022-2023

caregivers

9% Increase sa sahod sa Domestic job sa 2023, mabigat para sa mga Employers