in

Pinoy Physical Therapist sa Milan

Isang pinoy Physical Therapist ang puntahan ng mga kababayan natin at maging ng iba’t ibang lahi upang masolusyunan ang mga problema sa muscles. 

 

 

Milan, Marso 15, 2016 – Dahil sa mabigat na trabaho ng mga kababayan natin sa Milan, maging ang mga sports enthusiast tulad ng marathon, basketball at iba pa, karamihan ay nakakaramdam ng kirot sa kanilang mga muscles maging ang joints sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isang pinoy Physical Therapist ang puntahan ng mga kababayan natin at maging ng iba’t ibang lahi upang masolusyunan ang mga problema sa muscles. 

Siya ay si Jefferson Aceres, tubong Tarlac at dumating sa Italya noong taon 2008. Maliban sa naging trabaho niya bilang domestic helper ay ipinagpatuloy niya ang kanyang propesyon bilang isang Physical Therapist.

Lisensiyado si Aceres bilang isang Physical Therapist. Siya ay sumailalim sa mga trainings at seminars sa Milan, hanggang sa nabigyan siya ng pahintulot ng local na gobyerno upang tumanggap ng mga pasiyente.

 

Aniya nakapagtrabaho rin siya sa Centro Terapia Fisica Milan at sa isang malaking physical fitness gym sa Milan.

December 2015 ng siya ay nagkaroon ng isang clinic sa Milan kung kaya’t maliban sa home service ang nagtutungo na ang karamihan ng kanyang pasyente sa kanyang tanggapan.

Bukod sa pagiging Physical Therapist aniya, siya ay nagsasagawa ng Chiropractic adjustment, ito umano ay importante din dahil sa trabaho ng mga kababayan dito.

Importante ang bagay na ito, dahil ito ay may kinalaman sa cervical or sa mga may scoliosis upang ma-align ang kanilang mga likod dahil alam natin na ang mga kababayan natin dito ay mabigat ang trabaho”, paliwanag ni Aceres. 

Dagdag pa niya, ang Electrical Muscular Stimulation ang madalas na treatment niya sa kanyang mga pasyente. Ito ay upang maibalik sa normal function ang kanilang mga muscles at kadalasan ito ay ginagamit din sa mga strenuous outdoor at indoor sports. 

Dahil sa patuloy ang mga appointments ng mga pasyente ni Aceres ay balak niyang palakihan na ang clinic sa darating na panahon at magkaroon ng ikalawang clinic sa Milan. Maliban dito ay patuloy pa rin ang kanyang mga home services batay sa sitwasyon ng pasyiente.

Tumatanggap din siya ng acupuncturing sa tulong ng isang pinay na may experience sa acupuncture.

 

Si Aceres ay full time Physical Therapist sa Milan, Italy.

 

 

ni Chet de Castro Valencia

larawan ni Jesica Bautista

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Canary bird, nangitlog na walang mate

Ora legale, mula sa Linggo, March 27