in

Pinoy, pinukpok ng bote. Biktima ng pagnanakaw ng bisikleta

ako-ay-pilipino

Kahit sa gitna ng pandaigdigang pandemya ay hindi mawawala ang mga mapansamantalang tao. Maaring dala ng matinding pangangailangan, o kaya’y dala ng pagnanasang magkaroon ng mga mamahaling kagamitan na hindi kayang  bilhin. 

Gabi ng araw ng martes, ika-10 ng nobyembre ng kasalukuyang taon, nang tangkaing nakawin ang isang mamahaling bisikleta ng isang pinoy sa Roma. Ayon sa ulat ng mga awtoridad, ilang minutos bago sumapit ang oras ng curfew sa Eternal City nang matunghayan ng ilang mga naglalakad ang isang biyolentong eksena.  Isang  37-anyos na italyano na residente sa Roma ang bigla na lamang lumapit sa isang 41-anyos na pilipino na may dalang bisikleta.  Bigla umano nitong pinukpok ng dala-dalang bote ang may-ari ng bisikleta at dali-daling tumakas tangay ang kanyang “premyo”. 

Sa tawag ng mga testigo ay agad na rumisponde ang mga carabinieri na pinakamalapit sa Piazzale Ostiense, lugar kung saan nangyari ang insidente ng pagnanakaw.  Dahil sa malinaw na pagkakalarawan ng mga testigo ay agad na natunton ng mga alagad ng batas ang magnanakaw.  Ngunit ang bisikleta ay hindi dala ng huli. Agad na nagsagawa ng paghahanap ang mga kapulisan at kanilang natagpuan ang ninakaw na bisikleta sa hindi kalayuang lugar. 

Sa pahayag ng pinoy, hindi malayong mapaginitan ng mga mata ng mga magnanakaw ang kanyang bisikleta dahil ang halaga nito ay aabot sa € 1800.

Hindi umano ito ang nagiisang episodyo ng pagnanakaw ng mga bisikleta sa Roma Capitale. Maraming ng tawag ang natatanggap ng mga awtoridad patungkol sa mga ganitong uri ng reklamo ng pagkawala ng mga mamahaling bisikleta. Ang iba ay nauuwi pa sa madugong eksena.

Pinalad ang pinoy na naibalik ang kanyang bisikleta at nagpasalamat ito sa mabilis na aksyon ng mga alagad ng batas. (Quintin Kentz Cavite Jr. Photo: Christopher Rada)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

ako-ay-pilipino

Paggamit ng bisikleta at motor sa panahon ng Covid19, ano ang mga dapat sundin?

ako-ay-pilipino

‘Contatto stretto’ sa isang positibo. Ano ang dapat gawin? Kailan dapat magpa-tampone?