in

Pinoy pusher, huli sa akto!

Nasorpresa kahapon ng hapon ng mga pulis na naka sibilyan o ‘borghese’ ng Commissariato di Rifredi, sa viale Belfiore Firenze ang 40-anyos na Pinoy na nahuli sa akto sa pagbebenta ng ipinagbabawal na shabu sa isang kliyenteng italyano.

Matapos arestuhin ang pusher ay natagpuan sa belt bag nito ang anim pang naka-pack na shabu at handa nang i-deliver sa mga users. 

Ang Pinoy ay kinasuhan ng drug trafficking. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Karagdagang pagluluwag sa mga restriksyon, narito ang mga petsa

Booking ng bakuna kontra Covid19 ng mga over-50s, simula May 10