in

Pinoy Runners lumahok sa taunang Stramilano

Kasama ang libu-libong mga runners ay lumahok din ang mga Pinoy sa taunang Stramilano kasama ang mga Italyano at ibang lahi pati na rin si Milan Mayor Giuliano Pisapia.

 

Milan, Marso 23, 2017 – Pagsuporta sa Duterte administration laban sa ipinagbabawal na droga ang kampanya ng mga Pinoy runners na lumahok sa taunang Stramilano sa Milan na mahilig sa sports partikular na ang marathon.

Kasama ang libu-libong mga runners: bata, matanda at mga person with disabilities o PWDs ay lumahok din ang mga Pinoy sa nasabing fun-run. Maliban sa mga Italyano at ibang mga lahi ay sumali din sa fun-run maging si Milan Mayor Giuliano Pisapia.

Ang mga 5k at 10k run ay nag-umpisa sa cathedral grounds ng Duomo, samantala ang half-marathon at mas mahabang course ng takbo ay nag-umpisa sa piazzale Cairoli, Milan.

Maaga pa lamang ay nagtipu-tipun ang mga Pilipino sa isang bahagi ng cathedral grounds upang magsagawa ng mga warm-up.

Naroroon ang grupo ng Pinoy Runners Club at ilan pang mga bagong miyembro nito at mga individual runners na ayon sa kanila ay mga 1st time participants ng Stramilano.

Katulad ni Tonton, na mahigit 12 taon na sa Milan ay ngayon taon lang ito lumahok sa nasabing sports.

3 months ko pinaghandaan ito, pinakauna kong sumali sa mga ganitong fun-run, kaya masasabi ko sa mga kababayan natin lalo na ang mga kabataan ay sumali na kayo sa mga ganitong sports, maraming benefits ito sa katawan.” masayang tugon ni Tonton

Maging si Rodel sa unang pagkakataon ay lumahok sa nasabing fun-run, kasama ang kanyang mag-ina na nag-ensayo at pinaghandaan din itong fun-run ng mahigit kumulang na tatlong buwan.

Gusto ko din ma-experience ang Stramilano sa mahigit 8 years ko na dito, first time ko lang sumali.” Ani Rodel

Every year ginaganap itong Stramilano and now kasama ko ang aking pamilya, exciting sumali sa mga ganitong fun-run at we encourage din ang mga kabataan dito sa Milan, magandang panimula ito para sa isang individual para sa kanilang health at sana ay iwasan ang mga masasamang bisyo tulad ng mga ipinagbabawal na droga.” Tugon din ng first time participant na si Casey.

We are encouraging the youth to get into sports like running para sa ganun ay manatili silang malusog at para maiwasan ang mga masamang bisyo, kami din ay sumusuporta kay President Duterte sa kampanya laban sa ipinagbabawal na droga.” Wika ni 3 time Stramilano participant Terry.

At habang nagtatakbuhan ang mga kababayan natin ay kasabay rin ang pagwawagayway ng bandila ng Pilipinas upang ipaalam sa buong mundo ang pakikiisang ito.

Samantala naroroon din ang 5 time sprint canoer summer olympic gold medalist Antonio Rossi noong dekada 90. Sa katunayan ay sinamantala ng ilan sa mga runners ang pagkakataon na makadaupang palad ito at nagpakuha ng mga litrato.

Hinihikayat namin ang mga kabataan na sumali sa mga ganitong uri na sports, hindi po trabaho lang ang aming inaatupag, at least man lang ay mapagbigyan din ang aming kalusugan para sa physical fitness”, wika ng Pinoy Runner’s Club President Garry Eden.

Pinopromote namin ang running sa mga kabataan dito sa Milano para maiwasan nila ang bawal na droga”, ani ng PRC Vice President Eric Fetalvero 

Ang grupo ng Pinoy Runner Club ay nakikiisa para ipromote ang running para manatiling malusog. Ito ang pinakamurang sports para sa ating kalusugan”, dagdag ni Pinoy Runners Club Sports Chairman Leopoldo Domanico

Sa maikling rota ng takbo ay nakisaya din ang mga PWD’s lulan sa kanilang mga wheelchairs tulak-tulak ng kanilang mga kaanak, maging ang mga alagang aso ay sinuotan din ng mga sports wear. Maging ang mga bata ay masayang nakipagkarera sa mga matatanda.

Natapos ang buong event sa piazza Cairoli at hindi naman ito tinuldukan ng mga manlalahok bagkus ay ito ay bahagi na ng kanilang buhay upang sa ganun ay mananatili silang malusog at malakas ang kanilang mga resistensiya.

 

ni Chet de Castro Valencia

larawan ni Jesica Bautista  

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Napapanahon na ba ang Divorce law sa Pilipinas? Ang survey ng FWI

Trattati di Roma, narito ang mga lugar na pansamantalang sarado sa trapiko