in

Pinoy sa Cagliari, biktima ng pananakit

Patuloy ang pagdami ng mga biktimang Pinoy sa kasalukuyan dahil sa nCoV scare partikular dahil sa napagkakamalang mga Chinese. Kahit sa South Italy ay naitala na rin ang verbal and physical aggression laban sa mga Pilipino. 

Sa katunayan, isang 30 anyos na Pilipino ang biktima ng pananakit kagabi, bandang alas 9 hanggang alas 10 ng gabi sa loob ng public transportaion sa Cagliari Sardegna.

Si Demetrio Elida, mas kilala sa tawag na Dennis ay kasalukuyang nasa ospital dahil sa tinamong pananakit ng hindi pa matukoy na salarin at kasalukuyang iniimbistigahan na ng awtoridad.

Sa panayam kay Dennis, inamin nyang hindi niya matandaan ang buong pangyayari, tanging mga bulyaw lamang umano ukol sa coronavirus ang kanyang natatandaan. Marahil ay dahil nawalan sya ng malay matapos mapuruhan at ang tanging natatandaan na lamang ng biktima ay sya ay duguang nagtungong mag-isa sa bahay ng lola ng kanyang mga anak na nagsugod naman sa kanya sa ospital. 

Bagaman malayo sa peligro sa tinamong bugbog si Dennis ay nangangailangan din ng ilang araw bago tuluyang maghilom ang mga pasa at sugat sa kanyang mukha at anim na tahi sa noo. 

Ayon kay Macky, ang kapatid ni Dennis, ito umano ang unang pagkakataong nasali sa ganitong kaguluhan si Dennis sa loob ng 13 taong paninirahan sa Italya.

Samantala, nagpapasalamat si Dennis sa bagong buhay na ipinagkaloob sa kanya pati na rin sa pakikipagtulungan ng italian authorities upang matugis ang mga salarin. Hiling naman nya ngayon ay tuluyang gumaling at makamit ang hustisya. 

Si Dennis ay may dalawang anak at livein partner na Italiana at kasalukuyang waiter sa Golden Wok Restaurant sa Cagliari. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Minimum Wage 2020 sa Domestic Job

Mabini and Friends at Mindoreñans Group of Florence, bumida sa Danze e Spettacoli dal Mondo