in

Pinoy seaman, patay sa Ortona

Isa na namang kababayang Pinoy seaman ang biktima ng isang malagim na aksidente sa barko.

Ang 41-anyos na tripulanteng Pinoy ay nasawi matapos na tamaan ng bakal na parte ng crane habang nagtatrabaho.. Ang trahedyang ito ay nangyari sa Ortona, probinsya ng Chieti.

Ayon sa mga naunang report ng mga awtoridad, ang biktimang Pinoy na pansamantalang hindi tinukoy ang pagkakakilanlan ay nagtatrabaho nang ito ay mahagip ng kawing na bakal ng crane. Sa lakas ng tama ay nahulog umano ito sa tubig. Dali-dali namang sumaklolo ang mga kasamahan nito at hindi nag-aksaya ng oras at tumawag sa 112.

Agad na dumating ang isang emergency team at nakita na malubha ang kalagayan ng Pinoy kung kayat kinailangan ang heli-ambulance. Agad na isinugod sa Pronto Soccorso ng Pescara ang biktima ngunit binawian din ito ng buhay. Patuloy ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang lahat ng detalye sa pagkamatay ng Pinoy seafarer. Quintin Kentz Cavite Jr.

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 3.2]

Ika-7 Anibersaryo ng GUARDIANS EMIGRANT LEGION Montecatini Terme, ipinagdiwang na kulay “Europa”

Natanggal sa trabaho, kailangan bang magpatala sa Centro per l’Impiego?