Matapos ang halos dalawang taon, ang Filipino Association of Catania ay patuloy na gumagawa ng mga aktibidad para mabigyang serbisyo at kasiyahan ang mga miyembro nito.
Palermo, 13 Hulyo 2012 – Noong July 1, 2012, binuksan ang isa sa mga taunang aktibidad ng asosasyon na Sportfest 2012 sa CUS- Catania . Ang seremonya ay sinimulan sa isang malaking parada na ginawa mula sa Piazza Duomo hanggang Via Bellini ng nasabing siyudad. Namangha ang mga nanood lalo na mga Italiano dahil sa makulay at maraming taong dumalo. Sinundan agad ito ng programa sa pamamagitan ni Mr. Bhong Hailar – bise presidente at si Ms. Baby Villapando, PRO ng asosasyon.
“Mahalaga ang mga ganitong activities dahil ito ang paraan para lalong mapatibay ang pagsasama ng bawat Pilipino dito sa Catania”, saad ni Ms. Leni Vallejo, President ng FAC. Dagdag pa nito, “Kahit mahirap ang mag-organisa ng sportfest ay itinaguyod namin ito para mabigyan din ng kasiyahan ang kanilang mga miyembro”.
Apat na koponan ang ipinakilala para maglaban laban sa dalawang kategorya na basketball at volleyball at ito ay ang mga sumusunod: Blue Team na pinangungunahan nina Rose Quieta at Cheska Mauro ; Green Team nina Remy Maderazo at Joy Ybanez; Yellow Team ni Shane Eleda at ang Red Team na pinangungunahan naman nina Emelyn Deus and Juliet Salagubang.
Ang mga team na ito ay naglaban laban din sa mga pakulo ng opening program tulad ng Folkdance Competition at Search for Mrs. Sportfest 2012. Sa folkdance, nanalo ang Blue Team para sa kanilang sayaw na bulaklakan, pumangalawa ang Red Team sa kanilang Carinosa na hinaluan ng Pandanggo sa Ilaw, pangatlo ang YellowTeam na sumayaw ng Paru parong Bukid at pang-apat ang Green Team na sumayaw ng Maglalatik Modern Version. Samantala, kinoronahan naman si Mrs Emilia Sisno ng Red Team bilang Mrs. Sportfest 2012. Sila ay nakatanggap ng trophies mula sa sponsor na si Mr. Anacito Salagubang and family at mga targa na ipinagkaloob naman ng donor na si Mr. Enzo Lamberti.
Bukod dito, nasiyahan din ang mga nanood dahil sa ipinakitang gilas sa pagsasayaw ng ‘pride’ ng asosasyon na KMNA Dancers – isang grupo ng mananayaw na sumisikat sa kasalukuyan sa buong Sicilia na binubuo nina Krisney Gapan, Mary Maderazo, Natalia Gavina at Angelica Gavina.
Bago pa man ang main games, nagkaroon ng exhibition game kung saan nanalo ang FAC TEAM sa basketball at volleyball kontra sa mga dayong manlalaro na PINOY POKER TEAM mula sa karatig bayan na Giarre.
“Nais kong ipabatid ang aking taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga taong sumusuporta sa lahat ng aming adhikain lalo na sa sportfest na ito. My sincerest thanks to all the sponsors and donors, to all the members and my co-officers special mention to Mr. Bhong Hailar, for their great effort in making our activity a successful one” pagtatapos ni Vallejo.
Ang mga opisyales ng Filipino Association ng Catania ay ang mga sumusunod: President – Leni Vallejo; Vice President – Bhong Hailar; Secretary – Jean Claire Salagubang; Ass’t. Secretary – Michelle Calima; Treasurer – Gemma Pascua; Auditor – Rosabelle Glinogo; Ass’t. Auditor – Ellen Madriaga; PRO’s – Baby Villapando, Percival Viray, Willie Ragonese, Gerard Maat, at Judy Pigao; Advisers- Francisca Salagubang, Orlando Sapinoso, Rolando Cabsaan, Virgilio Benitez, Lita Gavina, Elena Sapinoso, Romulo Manibo at Adelaido Ybanez Jr. (ni: Armand Curameng)