in

Pinoy Summer Sportsfest ng PDBA sa Palermo Idinaos

Palermo – Kamakailan ay matagumpay na sinimulan ang Pinoy Summer Sportsfest ng Philippine Don Bosco Association sa  Dopolavoro Ferrovia Sports Center ng Palermo, Italy. Pagkatapos ng isang taon pagpapaliban, muling ibinalik ng mga bagong opisyales ng nasabing asosasyon ang naturang palaro sa pangunguna ng bagong halal na presidente na si Lawrence Mag-iba.

Ang ligang idinadaos kada Linggo ay binubuo ng tatlong kategorya , ang men’s basketball, men’s volleyball at women’s volleyball.  Anim na koponan ang magkatunggali para sa men’s basketball at ito ang The Beginners 2013 team sa pangunguna ng mga managers nito na sina Jhonson Paguyo, Elmer Ramil, Nestor Candalura at Robert Cumlat; Northstar Team mula kina Edison Baltazar, Lito Nicolas at Irineo Baltazar; Batangas Subiryo sa pangunguna naman ni Pablo Umali; Mindoro Bulls Team sa pamamagitan ni Eddie Ignacio; Young Gun’s team ni Pelingong; at ang Uno Money Transfer ni Eric Baluyot.

Tatlong koponan ang lumahok para sa men’s volleyball at ito ang Invictus Fierce Team sa pangunguna ng kanilang manager na si Jeffrey Coloma, ang Pinoy RA Vucciria team sa pangunguna ni Janet Ocampo at ang Wow Macho Team sa pamamagitan naman ni Ricardo Ronquillo.

Samantala, limang teams naman ang maglaban-laban para sa women’s category at ito ay ang V.I. Perz Team sa pangunguna ni Philip de los Angeles; Veterans team at ang mga managers nito ay sina Tony Bacay at Sharon Galera; Batangas Candy Crushers nina Nyng Balcita at Aida Dalawampu; San Rys Team ni Jho Lolong at ang Pick a Babe team na hawak naman ni Janet Ocampo.

Ang bumubuo ng committee ay ang mga sumusunod: para sa basketball; Antonio Bacay – Commissioner; Roger Plaga, Chairman na isa ring referee kasama si Padron at ang volleyball ay sina: Michelle Aliling, Chairman; Jeffrey Coloma, Co Chairman at ang mga referee naman ay sina Jordan Lingat at Boy Simangan.

Anga mga opisyales naman ng nasabing asosasyon ay sina: Lawrence Mag-iba, president; Shella Mendoza, Vice President; Michelle Bernardo, Secretary; Freyr Asonza, Ass’t. Secretary; Emelia Ignacio, Treasurer; Mercy Escondo, Ass’t. Treasurer; Antonio Bacay at Jimayma Danque, Auditors; Maryann Lagutan at Jessica Plaga, PIO’s; Loredana Cabiles at Jeffrey Coloma, Bus. Managers; Rocky ramil at Daryl Guinto, Sgt. At Arms; at ang mga advisers ay sina: Armand Curameng, Lito Sadicon, Malu dela Cruz, Gilda Duran, Rey Lagutan at si Cherry Villanueva. (ni: Armand Curameng)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

GREENER PASTURE

Marca da bollo – mula 14.62 sa 16 euros