in

Pinoy, suspek sa pagsunog ng 18 kotse sa Milan

Matapos ang isinagawang mabilisang imbestigasyon ng mga awtoridad ng Commissariato Comasina sa Milano na pinangunahan ng hepe na si Antonio D’Urso ay nahulog na sa mga kamay ng mga kapulisan ang isang Pinoy.

Ayon sa mga inisyal na ulat ang pinoy ay ang primary suspect at responsable sa pagsunog ng aabot sa halos 18 mga sasakyan sa iba’t ibang lugar sa Milano. Matindi na umano ang reklamo ng mga residente ng lugar kung kaya’t nagpasyang magtalaga ng isang special team ang Milano Police upang matukoy ang “pyromaniac” ng nasabing lugar.

Halos lahat ng mga sasakyang sinunog ay nakaparada sa isang lugar lamang kung kaya’t tinawag na ‘piromane del Maciachini’ ang suspek.

Ang mga minalas na sasakyan ay nakaparada sa via Bracco, via Bernardino de Conti, via Pavoni at via Legnone, mga kalyeng nagkukrus sa zona ng Maciachini.

Tuwing gabi umano ng mga araw ng nakaraang buwan ng Hulyo kung umatake ang pyromaniac.

Agad namang dinala ang suspek sa Questura para sa mas malalim na imbestigasyon.

Ayon sa mga imbestigador, maglalabas umano ng mga detalyadong report ukol sa kaso bago matapos ang araw na ito.

Quintin Kentz Cavite Jr.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong Circular mula Ministry of Interior, paghihigpit bang muli sa Flussi 2019?

Depresyon, sanhi sa pagsusunog ng mga sasakyan ng Pinoy