in

Pista ng Bayan in Rome, pagpupugay ng mga Lemerenians

Ang Pista ng Bayan ay isa sa mga pinakahihintay na pagdiriwang ng mga taga-Lemery, Batangas. Ito ay ang araw ng paggunita at pagpupugay sa kanilang patron na si San Roque. 

 

 

Tulad ng kinagawian, muling ipinagdiwang ng mga tubong Lemery Batanggas ang Pista ng Bayan nitong nakaraang Agosto 13, 2017 sa Roma. Dinaluhan ng daan-daang katao na nakiisa at naki-pagdiwang sa pista ng patron na si San Roque. 

Ang pagdiriwang ay pinangunahan ng hometown association, Lemerenians sa Roma, sa pamumuno ng kasalukuyang presidente na si Timoteo Rosas sampu ng mga nahalal na opisyales ng naturang samahan at ng labinlimang pangunahing barangay na malalaki ang populasyon sa Roma: Brgy Sinisian, Sangalang, Sambal Ibaba, Sambal Ilaya, Payapa Ibaba, Payapa Ilaya, Matingain, Malinis, Maguihan, Dita, District lV, Dayapan, Cahilan, Ayao-Iayo at Wawa

Bukod sa ginaganap na taunang pista sa Roma na nasa ikawalong taon na, ang hometown association ay aktibo rin sa iba’t-ibang aktibidad. 

Una kong pinagtuunan ng pansin ang religous activity sa aking panunungkulan”, ayon kay Rosas. Sa katunayan, tuwing Linggo ay may misa sa tagalog ang grupo sa San Antonio di Padova Church sa Roma sa pangunguna ni Fr. Jonald Banatao na tumatayong ama sa pananampalataya ng grupo. Hindi rin mawawala ang pagdiriwang ng mga mahahalagang okasyon tulad ng Christmas party, Valentines party at iba pa.

Bukod sa mga nabanggit, partikular ang naging pakikipag-ugnayan ni Rosas sa punong bayan ng Batangas, kay Mayor Larry Alilio noong nakaraang Abril sa kanyang pagbabakasyon sa Pilipinas. “Ito ay upang mabigyan ng special assistance ang bawat lemerenio na umuuwi at may mga nilalakad sa munisipyo at upang mapabilis ang pagproseso ng mga kaukulang dokumento”.

Hulyo naman ay sinimulan ang softball summer league,dagdag pa nito.

Bagaman aminado si Rosas na limitado ang kanyang oras dahil live-in ang trabaho nito ngunit dahil sa pagmamahal sa komunidad “sinikap po namin na maisakatuparan ng maayos at maganda ang aming kapistahan, sa tulong tulong na effort ng bawat barangay ay naging matagumpay po ito”.

Samantala, “pinaghahandaan namin ang pagbibigay ng kaunting assistance o medical mission sa mga remote area ng Lemery bilang susunod na proyekto ng grupo”, anunsyo ni Rosas.

Mahalagang bahagi ng ika-walong taong pagdiriwang ang prosusyon pagkatapos ng banal na misa at prusisyon na pinangunahan ni Father Jonald Banatao. 

Sinundan ito ng na presentasyon ng mga participating barangays ng Lemery, na nagsama-sama sa 12 aktibong barangay. Sa bahaging ito, hindi alintana ang kasagsagan ng init ng araw, ay nagpapamalas ng kani-kanilang talento sa pagsayaw at pag-awit ang mga Lemerenio anuman ang edad.

Binigyang parangal din ang mga nagwagi sa ginanap na summer soft ball festival. 

Hindi rin nagpahuli sa pagrampa ang mga kinatawang Ginangs ng 11 barangay. Hinirang na Mrs Lemerenians 2017 si Kristine Razon Dimailig mula Brgy Sinelambats. Lumahok din ang mga ginangs mula sa Brgy Payapa, Maguihan, Mayasang, Kahilan, Malinis, Sambal KSR, Ayao Iyao, Matingain, Sambal Ibaba, District 4 at wawa Ilaya. 

Kasabay ng pagdiriwang, ang maghapong nakahain na masaganang hapag, na kasabay ng iba’t-ibang palaro at mga cultural presentation ay kumumpleto sa buong araw na pagdiriwang. 

Bilang pagtatapos ay inaasahan ni Rosas na maipagpatuloy pa ang pagdiriwang na katulad nito upang mabuklod ang pagkakaisa at pagsuporta sa mga inilalahad na proyekto para matugunan ang pangangailangan ng bawat Lemerenio. 

Lemerenians Softball League 2017

Champion: Team Payapa

1st Place: Team Cahilan – Dita

2nd Place – Team Malinis

3rd Palce – Team Matingain

 

Lemerenians Officers

President: Timoteo Rosas 

Vice President: Dan Dimailig

Secretary: Eloisa De Villa

Treasurer: Bhaby Yuzon

Auditors: Maritess. Carolino & Nelma Ungos

PROs: Emma Malapitan, Dorie Matira & Yheng dela Rosa

Sgt. at arms: Rick Vergara, Ruel Yuzon at Nilo dela Rosa

 

 

PGA

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Black Squadron, puspusang naghahanda para sa World Karate Championship sa Spain

ALERON Male Choir, nag-perform sa Milan