in

Pista ng Manaog at Sta. Cruzan, ginunita sa Milan

Labing siyam na taon ng ipinagdiriwang ng mga Pangasinenses sa Milan ang piyesta ng Manaoag na ang patron ay ang “Our Lady of the Rosary of Manaoag”.

At dahil buwan ng Flores de Mayo ay isinabay na rin nila ang tradisyunal na Santacruzan. Mayroong higit sa tatlumpung mga dalagang pinay suot ang kanilang filipiniana dress at mayroong kanya-kanyang papel na ginagampanang bilang reyna. Ang host para sa taong ito ay ang Santa Maria del Carmine Church.

Ang Birhen ng our Lady of Manaoag ay nanggaling pa sa Manaoag Pangasinan at ako na rin mismo ang nagdala ng Imahen noong pang taon 1999”, ayon kay Arnie Cabatan, isa sa mga organizer ng nabanggit na pagdiriwang.

 

At habang pinaparada ang imahe ng Birheng Maria, ay kasunod ang mga Reyna at Sagala kung saan kabilang ang Reyna Elena, Reyna delas Flores at Reyna Emperatriz na sinundan ng mga deboto habang pinapanood at hinahangaan sa kanilang dinadaanan.

Kasi po sa church namin sa Sto. Stefano si Father Sonny ang kinuha akong Reyna Elena at ang mga ibang reyna ay nagkaroon ng bunutan”, ayon kay ni Frima Galang, ang Retna Elena.

Nakisaya din ang bagong talagang Philippine Consulate General sa Milan, Consul General Susan Irene Natividad kasama ang ilang kawani ng konsulado atito rin ang kauna-unahang outdoor event ng Filcom activity na dinaluhan ni Natividad.

Ako ay natutuwa na makilahok sa mga pagdiriwang ng ating community dito sa Milan, katulad ng Pista ng Manaoag at Sta. Cruzan at maganda namang maibahagi ito sa mga kaibigan natin mga Italyano na ang kultura at paniniwala ay hindi naman nalalayo sa mga Pilipino”, wika ni ConGen Natividad.

At habang tinatahak ang kalsada ay nagdasal ang mga deboto ng santo rosaryo. Umabot ng tatlumpong minuto ang prosesyon at nagtapos ito sa simbahan ng Sta Maria del Carmine at sa harap ng altar ay inilagay ang Our Lady of the Rosary of Manaoag.

Bago pa man simulan ang banal na misa ay isa-isang ipinakilala ang mga reyna at sagala na may dalang mga puting rosas upang ialay sa Birheng Maria of Manaoag at sinundan ito ng mga deboto.

Pinangunahan ni Fr Sonny de Armas ang banal na misa, at sa kanyang homily ay sinamantalang batiin ng pari ang mga nanay ng “Happy Mothers Day”. Binanggit din niya ang kalahalagaan ng pagkakaroon ng isang ina.

Sa huling bahagi ng misa ay nagkaroon ng group picture ng mga reyna at sagala na lumahok sa Sta Cruzan.

 

Chet de Castro Valencia,

Dick Villanueva

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Family Reunification para sa kapatid ng naturalized italian citizen, narito kung paano

SANTAKRUSAN SA BOLOGNA, PAGPAPARANGAL SA BIRHENG MARIA