Sa kauna-unahang pagkakataon ay personal na narating ng pinuno ng Philippine Overseas Labor Office (POLO-Rome) Labor Attache Chona Mantilla ang Probinsya ng Cagliari upang ipagkaloob ang serbisyong Labor sa mga Overseas Filipino Worker’s dito.
Kasama si WelOf Lyn Vibar ng OWWA, Tony Carillo ng PAG-IBIG FUNDS, Cora at Beth ay kanilang binigyang impormasyon at serbisyo ang ating mga kababayan na may kinalaman sa SSS/ PAG-IBIG Contribution at makapag apply ng OWWA Membership.
Sa kanilang pamamalagi, ipinaliwag ng POLO Head ang mga ginagampanan ng Labor Office sa mga OFWs sa buong mundo. Tinalakay din ang mga kadalasang problema ng mga mangagawang Pilipino sa ibayong dagat.
Ipinaliwanag naman ni WELOF Lyn ang kahalagahan ng OWWA sa mga Manggagawang Pilipino sa ibang Bansa.
“Sa halos 17 euro nyong OWWA Membership, covered na kayo nito sa loob ng two years. At kung OWWA Member (hindi man natin gustuhing may mangyari sa atin), covered nito ang gastos sa pag-papauwi ng ‘remains’ o kung hindi man ng paralisado sa Pilipinas. Liban diyan nagkakalob din ng mga scholarship ang OWWA para sa ating mga beneficiaries sa Pilipinas” minsang pagtalakay ni Welof Lyn.
Tinalakay din ni PAG-IBIG Fund Repesentative Tony Carillo ang pagkakaiba ng savings sa PAG-IBIG at sa bangko.
“Ang Pag-ibig ay inyong savings/contribution without tax. So kung magkano ang nasave or na contribute mo, ‘yon lang ang puede mong kitain. So the more you save, the more you have”, paglilinaw nya sa minsang katanungan kung paano na ang kontribusyon ng isang OFW na na nakapagsimula ng maghulog ng PAG-IBIG sa Pilipinas.
Samantala, natunghayan din ng butihing Labor Attache ang pasinaya ng Balitian Starlight Youth Club sa kanilang isinasagawang BSYC Summer Basketball and Summer League 2011. Laking pasasalamat sa pangunguna ni Racquel Mendoza ang naging presensya ng grupo ng Tanggapan ng Labor sa kanilang palaro.
Nagkaroon din ng pagkakataon ang POLO at OWWA na magkaloob ng librong may may titolong ‘Filipino sa Italya-Praktikal na Gabay Tungkol sa Roma’ sa isinagawang dalawang araw na’ Bisitang POLO-OWWA sa Cagliari 2011’. Ang nasabing POLO-OWWA Outreach ay isinagawa sa pangunguna ng Dangal ng Guardians-Cagliari, ng Mary Immaculate Community, ng BSYC at ng iba pang grupo sa Cagliari.(ni: ElmerOrillo)