in

POLO Milan, nagpalabas ng mahahalagang paalala ukol sa Decreto Flussi 2017

Bukod sa mahahalagang paalala ay nagbibigay babala din ang POLO Milan ukol sa ilang ulat ng peke o palsipikadong Nulla Osta

 

Milan, Marso 27, 2017 – Isang mahalagang ‘Paalala’ ang mula sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) – Milan, sa patnubay ng Konsulado ng Pilipinas sa Milan, kung saan nagbibigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa Decreto Flussi 2017.

Kasabay nito ay ang pagbibigay rin ng babala sa mga Pilipino sa Italya ukol sa lumalabas at nababalitaang panlilinlang at pangangako na pagpasok sa Italya batay umano sa kalalabas lamang na dekreto.

Kabilang sa mga paalala ng OWWA ay ang mga sumusunod:

1. Ang decreto flussi 2017 ay tumutukoy sa regular na pagpasok ng mga manggagawa, partikular na nakalaan sa lavoro stagionale o seasonal job tulad ng agrikultura at conversion ng ilang uri ng mga permit to stay ng mga narito na sa Italya. Ito ay hindi para sa trabaho gaya ng badante, colf o domestic work. Hindi din ito para sa mga undocumented o walang balidong dokumento na nais maging regular ang pananatili sa bansa.
2. Samantala, para naman sa mga magkakaroon ng Nulla Osta al Lavoro Subordinato Stagionale mula sa Sportello Unico per l’Immigrazione, ay  ipinapaalala na ito ay kasama sa mga dokumentong kailangang ipakita sa tanggapan ng POLO sa Italya ng employer o kanyang representative para dumaan sa proseso ng verification bago ito dalhin sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang magamit sa paglabas ng bansa.
3. May ulat na rin ukol sa paggamit ng peke o palsipikadong Nulla Osta kapalit ng malaking halaga matapos mahikayat sa pangakong may kakilala umano sa loob ng Prefettura, Comune o italian embassy na maglalakad sa naturang dokumento. Mag-ingat sa ganitong gawain, Pilipino man o hindi.

Maaaring makipag-uganayan sa POLO MIlan para sa inyong mga report.

Ang Paalala

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pastoral visit ng Santo Padre sa Milan, dinaluhan ng higit sa isang milyong katao

PE Rome, nag-paalalang muli ukol sa permit to stay ng mga anak na 14 anyos