Ayon sa Statistical Dossier on Immigration ng Caritas 2012 na inilathala sa Roma kamakailan, 152.382 (o 4.2%) ang bilang ng mga naninirahang Pilipino sa Italya ng taong 2011 kumpara sa 134.154 (2.9%) ng 2010. Ang 58% ng bilang na ito ay pawang mga kababaihan. Kasalukuyang ika-lima na pinaka malaking popolasyon sumunod sa mga bansa ng Marocco (506.369), Albania (491.495), Cina (277.570) at Ucraina (223.782).
Sa rehiyon ng Lombardia ay mayroong pinakamaraming Pilipino, 52.453 (o 5.4%), habang sa Lazio ay mayroong 42.872 (12.3%) namang presensiya ng mga Pilipino.
Samantala, 101.432 (o 2,8%) naman ang itinuturing na bilang ng mga regular na mangagawang Pilipino sa bansa, ang ika-sampu sa listahan, ayon pa rin sa dossier ng Caritas. Mayroong 23.281 (3,4%) ang mga nakatalang manggagawang Pilipino sa Lombardia at sa Lazio ay may naitalang 16.231 (4,7%) mga regular na mangagawa.
Paalala: Ang hindi naitalang bilang ng mga Pilipino sa ilang rehiyon ay nangangahulugang wala sa hanay ng 20 nauunang mga nasyunalidad ang Pilipinas sa naturang rehiyon.
Rehiyon |
Popolasyon ng Pilipino 2011 |
Popolasyon ng Pilipino 2010 |
Dami ng manggagawang regular 2011 |
Dami ng manggagawang regular 2010 |
ABRUZZO |
626 (1.2%) |
559 (0,7%) |
|
|
BASILICATA |
52 (0.7%) |
|
|
|
CALABRIA |
2.416 (5.8%) |
2.542 (3,4%) |
939 (1,5%) |
825 (1,5%) |
CAMPANIA |
3.593 (1,8%) |
2.999 (1,8%) |
3.169 (2.5%) |
1.389 (1,3%) |
EMILIA ROMAGNA |
12.958 (2.9%) |
12.334 (2,5%) |
6.265 (1,8%) |
5.739 (1,8%) |
LAZIO |
42.872 (12.3%) |
32.126(5,9%) |
16.231 (4,7%) |
13.962 (4,7%) |
LIGURIA |
|
|
1.764 (2,1 %) |
1.729 (2,5%) |
LOMBARDIA |
52.453 (5.4%) |
48.368(4,5%) |
23.281 (3,4%) |
20.419 (3,6%) |
MARCHE |
1.625 (1.3%) |
1.377 (0,9%) |
|
|
PIEMONTE |
5.417 (2.1%) |
5.151(1,3%) |
2.877 (1,3%) |
2.534 (1,3%) |
PUGLIA |
1.363 (2.1%) |
1.374 (1,4%) |
894 (0,9%) |
638 (0,9%) |
SARDEGNA |
1.466 (6.6%) |
1.368 (3.6%) |
692 (2,6%) |
602 (2,6) |
SICILIA |
4.610 (5.4%) |
4.501 (3.2%) |
1.801 (1,7%) |
1.674 (1,8%) |
TOSCANA |
12.014 (4.3%) |
11.524(3.2%) |
5.967 (2.4%) |
4.797 (2.3%) |
UMBRIA |
1.706 (2.6%) |
1.613(1.6%) |
702 (1,3%) |
682 (1,4%) |
VENETO |
|
5.993 (1,2%) |
|
825 (1,5%) |