Ayon sa bidang aktor na si Allen Dizon, ang nasabing film ay magsisilbing isang “eye-opener” para sa mga kapwa Pilipino sa mga isyung panlipunan sa tunay na nangyayari sa ating bansa.
Dinumog ng mga Pilipino sa Roma ang ginanap na press conference ng pelikulang ”Deadline (The Reign of Impunity)” na ginanap noong Nobyembre 20, 2011, saLa Basilica dei Sacro Cuore di Gesùsa Via Marsala sa siyudad ng Roma. Ang ”Deadline (The Reign of Impunity)” ay isang “advocacy film” na tumatalakay sa mga marahas na pagpatay sa mga journalists sa Pilipinas. Isang pelikulang handog ng XITI Productions na isinulat ni Boni Ilagan, sa ilalim ng direksyon ni Joel Lamangan.
Ang nasabing presscon ay dinaluhan mula sa Pilipinas ng isa mga bidang aktor ng pelikula, si Mr. Allen Dizon at ng mismong Supervising Producer ng XITI Productions, Mr. Dennis Evangelista. Sinamahan sila sa panel ng mga Pilipinong nasa media sa Roma na kinabibilangan nina: Father Aris Miranda, MI (Solidarity Movement Roma), Ms. Ann Brusola (International Coordinating Committee in Human Rights in the Philippines-Rome Chapter), Ms. Weng Flores (Bayan), Mr. Ted Dalisay (Umangat/International Migrants Alliance) at Mr. Egay Bonzon (Imigrante Party List). Nakitang ring dumalo sa nasabing press con si On. Romulo Salvador.
Ang “Deadline (The Reign of Impunity)” ay ang tanging Filipino film na naimbitahan sa 35th Montreal World Film Festival. Isang pelikulang tumatalakay sa mga marahas na pagpatay sa mga journalists sa Pilipinas. Bukod sa mga pagpatay ng mga journalists, binigyang pansin din ng pelikulang ito ang mga isyu ng ”warlordism” sa Pilipinas. Pinatamaan din dito ang mga nagaganap na dayaan sa ating mga eleksyon, paggamit ng private armies at pakikipagsabwatan ng mga may kapangyarihan at mayayamang tao sa mga opisyal ng pamahalaan.
Napapanahon ang pagpapalabas ng ganitong makatuturang pelikula dahil sa Nobyembre 23 ay hindi maaaring sumagi sa ating mga isipan ang karahasang naganap sa Mindanao noong taong 2009 na binansagang “The Amputan Massacre.” Ang karumal-dumal na karahasang ito ang naglagay sa ating bansa na taguriang “Most Dangerous Place for Journalism,” na pinagpapalagay na higit na mapanganib para sa mga journalists kumpara sa bansang Iraq. Ang nasabing insidente ay tinagurian ding “the single worst mass killing of journalists in history” ng isang New York based non-profit group, Committee to Protect Journalism (CPJ).
Ang film na ito, ayon sa bidang actor na si Allen Dizon ay magsisilbing isang “eye-opener” para sa mga kapwa Pilipino sa mga isyung panlipunan na tunay na nangyayari sa ating bansa. Nararapat lamang na magkaroon ang mga Pilipinong nasa ibang bansa ng awareness sa tunay na nagaganap sa ating bayan. Umaasa ang actor na marami pang mga kababayang Pilipno sa Europa ang makakapanood ng kanilang film. Nakatakda din siyang umikot sa ibang parte ng Europe para sa mga naka-schedule na mga special screening ng nasabing pelikula. (Rogel Esguerra Cabigting)