Ang ASLI, kasama ng REGIONE LAZIO upang maisakatuparan ang proyektong PRILS sa teritoryo.
Roma, Hulyo 2, 2015 – Ang PRILS o Piano Regionale d’Integrazione linguistica e sociale degli stranieri del Lazio, ay isang proyektong buhat sa pondo ng Europa para sa maayos na integrasyon ng mga dayuhang naninirahan sa Italya at Europa. Ito ay naglalayong matulungan ang mga dayuhan lalo na ang mga bagong dating sa bansa kung saan sa kasunduang taglay ng unang permit to stay ay nangangailangan ng sapat na kaalaman sa wika at kultura ng Italya na hindi bababa sa antas o livello A2 del QCER.
Sa tulong ng mga awtorisadong paaralan kung saan ang mga dayuhan ay maaaring magparehistro at mag-aral ng wika at kultura ay kasama ang ASLI o Associazione Stranieri Lavoratori in Italia sa pagbibigay ng impormasyon at pagpapaliwanag ng proyekto sa mga bagong dating na Pilipino sa Lazio. Ganoon din ang pagtulong sa mga nais kumuha ng carta di soggiorno kung saan kinakailangan ang kaalaman sa sibika at kultura ng Italya at kaalaman sa wikang italayano. Ang mag dayuhan ay maaring magtungo sa Centri Provinciali per l’istruzione degli adulti o CPIA na dati ay kilala sa CPT, upang magpatala at mag-aral sa gabi.
Bukod sa Pilipinas ay kasama din sa proyektong ang Ucraina, Albania, Bangladesh at India.
Ang libreng pag-aaral sa mga CPIA ay tatalakay sa mga importanteng kaalamn tulad ng Saligang Batas, Institusyon at Administrasyon ng Italya, Civil code at Kultura, karapatan at tungkulin ng isang dayuhan sa Italya, tuntunin sa kalusugan at kailgtasan at mga serbisyong matatagpuan sa teritoryo. Pagkatapos ng pag aaral ay maaaring, sa takdang panahon, magparehistro at sumailalim sa isang pagsubok upang makamit ang antas na A2 sa pamamagitan website ng Ministry of Inteior.
Samantala, ang ASLI ay isang samahan ng mga pilipino na naglalayong makatulong sa maayos na integrasyon ng mga Pilipinong naninirahan sa Italia. Isa sa mga naunang proyekto ng grupo ay ang paglalahathala ng librong gabay sa pamumuhay sa Italia at ang libro ng Konstitusyon ng Italia at Pilipinas na silbing gabay ng mga pilipinong naninirahan sa Italia. Bukod sa Proyektong Prils Lazio ay kasama din sila sa tatlo pang mga proyekto ng EU- FEI; InfoFilieraRoma.it, CapitalizzAzione: attività di capitalizzazione e scambio at “Mobile Identities: Migration and Integration in Transnational Communities”.
Matatandaang malawakang kampanya ang ginawa ng ASLI sa dalawang mahahalagang pagtitipon nitong Hunyo (Araw ng Kalayaan 2015 at Pinoy WISE) sa pagbibigay ng impormasyon, pagpapaliwanag ng proyekto at pamamahagi ng mga materyales sa wikang tagalog.
ni: Tomasino de Roma
a. Gabay sa mga serbisyo at mga puntos ng impormasyon para sa mga mamamayang dayuhan ng Lazio
b. Serbisyo ng impormasyon at pagsasanay para sa mga dayuhan sa Lazio
k. Roma Capitale Mappatura