in

Produktibo at masaya ang 9th year anniversary celebration ng UGOFW-SIENA

Naging produktibo at masaya ang selebrasyon ng ika-siyam na taong gulang ng United Group of Filipino Workers ng Siena na ginanap nitong ika-19 ng Agosto 2012 sa Acqua Calda, Siena.

Florence, Aug 22, 2012 – Sa pangunguna ng walang kupas na presidente ng grupo na si Moises Malimban ay muling masayang nagsama-sama at nagsalu-salo sa mga masasarap na pagkaing Pinoy ang mga miyembro kung saan nakiisa din ang isa pang Filipino association ng Siena – ang Barangay Sentro Siena sa pangunguna ni Presidente Andrei Castillo. Dumalo din sa pagdiriwang ang mga opisyal ng Confederation of Filipino Communities in Tuscany sa pangunguna ni Vice President Dennis Reyes, ilang opisyal ng FEA Empoli at sina Presidente Chiqui Manuel at Founder Bernard Abrena ng United Fiipino Association ng Arezzo.

Sinamantala naman ni VP Reyes ang okasyon upang ipahayag sa mga dumalo ang magkasamang kahilingan ng Confed at ng Opisina ng Konsulado na tulong donasyon para sa mga biktima ng nakaraang bagyo at pagbaha sa Luzon at sa naulila ng pamilyang namassacre sa Balagtas Bulacan. Kaagad namang umaksiyon at nag pass-the-hat ang mga opisyal ng UGOFW sa mga dumalo na buong pusong nag-abot ng kanilang mga abuloy.

Aksiyon agad din si LBC Representative Danny Ignacio na nangako ng libreng padala ng mga nalikom na mga bagay na mapapakinabangan pa ng mga biktima sa pamamagitan ng LBC Foundation bukod pa sa mga ipinamudmod na libreng ballpen at panyo at mga premyo sa raffle.

Ipinahayag na rin ni CFCT Board Council Chairperson Divinia Capalad ang mga mahahalagang updates tungkol sa mga serbisyo ng Konsulado at mga layunin at papel na ginagampanan ng Confed para sa ikabubuti ng mga OFWs ng Tuscany.

Lalong sumigla ang kasayahan noong pumailanlang na ang mga magagandang boses nina Divina at Ramiro, ang mga vocalists ng Applause Band ng Siena.

May huling hirit na mensahe si VP Dennis sa mga bumubuo ng UGOFW “ ang UGOFW ay laging handang sumoporta sa mga adhikain ng Confederation, sana  ay manatili ang suporta at respetong ito at sana ay manatili silang maayos at matatag na grupo.” (ni: Maria Teresa Salamero)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

SUMMER PALARO 2012 ng REGGIO CALABRIA, matagumpay na naidaos

State funeral, inihahanda na para kay Robredo