Rome, Nob 16, 2012 – Ayon sa ulat ngayong umaga ng Comune di Cagliari, ay umabot sa 31% o 1482 ng kabuuang bilang na 4790 ang mga dayuhang lumabas ng kanilang tahanan kahapon at pumili ng kandidato bilang kinatawan sa Consulta degli Stranieri e Apolidi della Città di Cagliari.
Inilabas rin ang provisory result ng halalang ginanap kahapon kung saan sa unang pagkakataon ay ginamit ang electronic voting.
Samantala, narito naman ang pansamantalang resulta ng mga kandidatong Pilipino.
1) MENDOZA VICTORIA RAQUEL MEDINA – 387 votes
2) GARCIA VIRGILIO FACUNLA – 158 votes
3) MEDINA ROSEMARIE DE GUZMAN – 102 votes
4) ORILLO ELMER SOLANO – 55 votes
5) DE CLARO CELERINA – 51 votes
Ito ay nangangahulugan na ang 753 votes ay nagbuhat sa mga Pilipino at ito ay higit sa 50% ng kabuuang bilang ng mga bumoto kahapon (1482).
Mabuhay ang mga Pilipino!!