in

PSYCOM Crew, wagi sa Milan Dance Competition 2018

Ang kampeon sa kumpetisyon ay isasabak sa elimination round ng Hip Hop International na gaganapin sa Rome sa darating ng Abril 28.

 

Naglaban-laban at nagpakitang gilas ang mga kilalang dance group sa Milan sa isang Hiphop dance competition na inorganisa ng Unified Batangas Varsitarian Milan Chapter kamakailan.

Layunin ng kumpetisyon, na ginanap sa Via Ornato Milan, ang makatulong hindi lamang sa fraternity ng buong Batangas Varsitarian kundi pati sa mga kababayan sa Pilipinas.

Ang mga grupo ay kinabibilangan ng Psycom Crew, Infinity Love, Ultimate Dance Crew, VIP (teens/kids), Crazy Queenz na may edad mula 9 hanggang 24 taon gulang.

Sa pinagsama-samang iskor ng mga hurado na sina Anna Girlie Goda, Ryan Tiamsim at Angela Giancotte ay nagresulta sa pagiging kampeon ng Psycom Crew, pumangalawa ang VIP teens at pangatlo ay Infinity Love

Ang kampeon sa nasabing kumpetisyon ay isasabak sa elimination round ng Hip Hop International na gaganapin sa Rome sa darating ng Abril 28 ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Edelweiss “White” Bartolo, adviser ng Psycom crew, mahigit 20 grupo mula iba’t ibang bansa ng Europa ang magpapakitang gilas para sa elimination round sa Roma at ang Grand Champion dito ang siyang magiging representative para sa Europe na lalaban sa World Hip Hop Dance Championship na gaganapin sa Phoenix, Arizona USA sa darating na August 5-11, 2018.

Mga Crews at MegaCrews mula sa 50 bansa ang maglalaban-laban at ang magiging guest sa world championships ay yong mga sikat na hip hop artist at mga celebrities at sasayaw din sila”, dagdag pa ni White.

Todo hiyawan ang mga manonood sa kani-kanilang mga grupong sinusportahan na halos hindi na rin marinig ang tugtog ng kanilang sinasayaw.

Hindi lamang mga pinoy ang nanood ng dance competition, naroroon din ang mga Italian teenagers na mga kaibigan at kaklase ng bawat manlalahok na kapwa mahilig din sa sayaw na hip hop.

Sa pagkakatanggap ng cash ng Psycom Crew ay gagamitin nila itong pandagdag sa kanilang pondo sa pagpunta nila sa Roma sa Abril.

Maliban sa mga trophies na natanggap ng mga nanalo ay nabigyan din ang mga grupo ng mga certificate of participation mula sa Unified Batangas Varsitarian.

Ayon kay Jonthan Jose, ang lider ng Psycom Crew, todo praktis ang kanilang gagawin at lumikha ng kaiibang mga istilo sa pagsayaw ng hip hop at patutunayan nila na karapat dapat makuha ang kanilang grupo sa elimination para lumaban sa World Hip Hop Dance Championship 2018 sa Estados Unidos.

 

ni Chet de Castro Valencia

larawan ni White Bartolo      

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Paalala ukol sa Kampanya laban sa Ilegal na Droga, inilabas ng PE Rome

162,469 bilang ng mga Pilipino sa Italya