in

Pumatay kay Corazon, hinatulan ng anim na taon

“Ang pamilya ng biktima ay hindi ninais ang maghiganti o ang humihingi ng kahit isang sentimo bilang danyos mula sa nasasakdal, ang tanging hinihingi ay katarungan”. Isang kahilingang walang tugon hanggang sa kasalukuyan.

 

Roma, Nobyembre 25, 2015 – Anim (6) na taon ang hatol ng Juvenile Judge ng Roma sa 17 taong gulang na nomad o gypsy sa kasong involuntary manslaughter sa pagpatay nito sa Pilipinang nagngangalang Corazon Abordo Perez. At dahil menor de edad ang nasasakdal, hindi ito mabibilanggo bagkus ay mananatili sa loob ng isang komunidad para sa community service. 

Matatandaang noong ika-27 ng Mayo ng taong kasalukuyan, naghihintay ng bus si Perez kasama ang ilan pang katao sa isang bus stop sa kahabaan ng via dei Monti di Primavalle ng bigla na lamang sila sinagasaan ng isang rumaragasang sasakyan na nag resulta sa pagkaladkad sa kanila. Isa na rito si Perez na tumilapon ng ilan metrong layo mula sa naturang bus stop. Idineklarang dead on the spot ang Pilipina, samantala ang iba naman ay itinakbo sa ospital para lapatan ng lunas sa mga natamo nilang mga sugat. Ayon sa report ng pulis, sa pagsasagawa ng check point sa isang bahagi ng kalsada di kalayuan sa pinangyarihan ng insidente ng dumaan ang sasakyan ng salarin at hiningi ang dokumento nito ng bigla na lamang ito pinaandar ang kanyang sasakayan kung kaya’t nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga awtoridad at ng salarin. Ang nomad ay nakatakas at napag-alaman na ang kotse ay nakaw. Pagkalipas ng ilang araw, ay isinuko din ng ama ang suspek sa mga awtoridad at agad na ikinulong.

Sa pagdinig ng kanyang kaso hanggang sa mahatulan ay hindi sumang-ayon ang public prosecutor ng 6 na taong hatol dito kundi 16 na taon sa kasong murder dahil napatunayang ang nasasakdal ang nagmamaneho ng sasakyan noong maganap ang insidente.

Sadyang ikinagulat ng lahat ang lumabas na hatol ngunit ito ang katotohanan. Hindi mananatili kahit isang araw sa bilangguan ang menor de edad, na walang lisensyang nangahas na magmaneho; tumakas sa awtoridad sa isang simpleng inspekyon; humarurot sa kalsada gamit ang isang nakaw na sasakyan; kinaladkad ang siyam (9) na katao at winasak ang katawan ni Cory sa pagkaladkad nito ng ilang metro sa kahabaan ng kalsada. Nagtago ng ilang araw bago tuluyang ma-aresto. At lahat ng ito para sa juvenile judge ng Roma ay involuntary.

Ang pamilya ng biktima ay hindi ninais ang maghiganti o ang humihingi ng kahit isang sentimo bilang danyos mula sa nasasakdal, ang hinihingi nila ay katarungan”, ayon kay Valentina Chianello, ang abugado ng pamilya ng nasawi.

Sariwa pa ang sakit at hapdi para sa pamilya ng mga pangyayari. Hindi naglihom at tila lalong lumalim ang sugat. “Tama na, aalis na ako sa Italya”, ito ang tanging naging tugon ni Rey Rojas Magsino, ang balo at ama ng dalawang menor de edad na anak ni Corazon.

Isang katanungan ang tila walang kasagutan hanggang sa kasalukuyan: Nasaan ang katarungan?

Pinay, patay matapos masagasaan ng tumatakas na kotse

Hustisya para kay Corazon, sigaw ng mga Pinoy sa Campidgolio

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Student visa, magkakahalaga ng 50 euros, hatid ng Stability law

Italian citizenship, tatalakayin sa Senado sa susunod na linggo