in

Pusher, itinago ang shabu sa sapatos

Patuloy ang pagtugis ng pulisya ng lungsod ng Modena sa lumalalang pagbebenta ng bawal na gamot lalong higit sa kumakalat na shabu sa lungsod.

Modena, Hunyo 21, 2013 – Makalipas arestuhin ang 3 Pinoy noong nakaraang Mayo 26 na nagtataglay ng 130 grams ng shabu, tatlong Pinoy muli ang nahuli noong nakaraang linggo.

Ayon sa mga report, isang Pinoy at dalawang Pinay, mula 25 hanggang 40 anyos at pawang mga residente sa Parma, ang inaresto dahil nahulihan ng 11 gramong shabu. Ang ika-apat, naman ay kasalukuyang naka-house arrest, matapos matagpuan ang 3 grrmong shbu sa loob ng tahanana nito.

Inaresto ang tatlo, makalipas subaybayan ang mga ito sa Via Gramsci habang sakay ng isang kotse. Natagpuan ang 11 gramo ng shabu sa maliliit na dosage, naka-pack at handa ng ibenta. Nakatago ang mga handang itinging shabu na sa sapatos at make-up pochette ng dalawang babae.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinay, huli sa pagnanakaw

Sec. Alcala ng Department of Agriculture, dumating sa Roma